Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maris, sobrang thankful sa sunod-sunod na blessings

051815 MARIS RACAL

00 SHOWBIZ ms mHINDI pa man ganoon katagal simula nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya, agad nabigyan ng malaking break sina Maris Racal at Manolo Pedrosa via Stars Versus Me, na bestselling novel ni Joven Tan na may ganito ring titulo at siya ring nagdirehe ng pelikula na mapapanood na sa June 3.

Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Maris nang makausap namin ito sa presscon ng Stars Versus Me kamakailan. Aniya, ”Sobrang excited po ako kung ano ang mangyayari, sa lahat ng opportunities at malaki rin po ang pasalamat ko na nabigyan kami ng ganitong pagkakataon.”

Malaking break nga ang Stars Versus Me kay Maris dahil hindi na siya dumaan sa audition dahil siya talaga ang napili ni Direk Joven. Bukod pa rito ang pagiging recording artist niya saStar Music na ang kantang Tanong Mo Sa Bituin (na ginamit ding theme song sa pelikula) ay isinama sa OPM Fresh album.

Aminado si Maris na pressured sila sa pelikula dahil first movie nila ito ni Manolo. Pero umaasa silang tatangkilikin ito at susuportahan ng fans.

Samantala, naitanong kay Maris si Daniel Matsunaga dahil ito ang ipinapareha sa kanya noong nasa Bahay ni Kuya pa sila.

Anang dalaga, masaya siya sa nangyayari ngayon kay Daniel at hanga siya rito sa kabaitan. Hindi naman niya itinangging kinilig at humanga siya sa kaguwapuhan nito. ”Sobrang happy ako na naka-bonding ko ang isang Daniel,” sambit ni Maris at sinabing masaya siya na girlfriend ni Daniel si Erich Gonzales. ”Mabait na tao si Daniel, super. Kaya masaya ako sa kanila.”

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …