INIINTRIGA ang carrier single na Bakit Ganito Ang Pag-ibig na ipinarinig ni Maja Salvadorsa launching ng kanyang 2nd album na may titulong Maja In Love. Tila raw kasi akma sa kasalukuyang nangyayari sa kanyang lovelife.
Kung ating matatandaan, hindi naman itinago kapwa nina Maja at Gerald Santos na nag-break na sila kamakailan kaya naman iniuugnay ang tila pagkakatiyap ng carrier single niya sa kasalukuyang nangyayari sa kanyang lovelife.
“November pa lang po nagawa na ang kantang ito (‘Bakit Ganito Ang Pag-ibig’) na base sa ‘Bridges of Love’ (kasalukuyang teleserye with Jericho Rosales and Paulo Avelino). Kaya bale kuwento po ito ng ‘Bridges of Love’, kuwento ni Mia (karakter na ginagampanan niya).
“Hindi kop o kinukuwestiyon ang pag-ibig, positive lang po, move on na,” paglilinaw ni Maja.
Iginiit pa ni Maja na masarap ma-inlove. ”Basta ako, kung alam kong in love ako, sinasabi ko, hindi ko naman itinatago.
“Ipinapakita ko ‘yun, pero hindi ‘yung parang detalyado, kung anuman ‘yun, ‘di ba?”
Sinabi pa ni Maja na masaya siyang ibinabahagi niya ang kanyang kanta o music at iginiit na kaya In Love ang titulo ng album ay dahil na-inlove siya sa paggawa ng musica na mayroon siyang mga sariling komposisyon.
“Nagsulat din po ako na parang ibang Maja ang nandito sa music industry, para iba naman ang maikukuwento ko, ganoon po.” Nais daw kasi ni Maja na mag-improve ang pagiging recording artist at songwriter niya kaya naman ibinibigay niya ang 100 percent dito.
Kasama pa sa album ang mga awiting Habulan, Nakawin Natin ang Sandali, Gaano Kalayo (tampok si Sam Milby), Hiling (tampok si Rayver Cruz), at Love Me, Kill Me.
Available na ang Maja In Love sa lahat ng record stores na handog ng Ivory Music and Video.
ni Maricris Valdez Nicasio