ni Alex Brosas
TSINUGI raw si Alex Gonzaga sa isang reality show na magpapakita ng talent sa singing ng mga bagets.
Why o why naman kaya tsinugi ang beauty ng younger sister ni Toni Gonzaga?
Ang chika, masyado raw OA itong si Alex sa pagho-host dati. Obvious na obvious daw na nagpapakuwela ito pero hindi naman swak ang jokes. Corny as in corny Daw ang mga patawa ng hitad.
Ang isa pang chika, dahil flopey ang kanyang concert ay nabawasan daw ang kOmpiyansa ng executives ng Dos sa kanya kaya binawasan ang kanyang work load.
But there are also rumors na si Alex din ang magiging isa sa hosts ng PBB kaya tsinugi na lang siya sa reality show for talented kids.