Friday , November 15 2024

Immigration “Entry for a fee, fly for a fee” racket pinaiimbestigahan sa NBI

00 parehas jimmyANG buong akala ko nagbago na ang kalakaran sa Bureau of Immigration (BI) sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Pnoy, ‘yun pala naging mas malala pa ‘ata.

Ang nakalulungkot, ang taong inaasahang dapat magpatupad ng batas, si BI Commissioner Siegfred B. Mison, ang umano’y siya pang nagbibigay-basbas sa ilegal na mga gawain sa nasabing ahensiya.

Kung totoo man ito, sa magkanong halaga kaya? Ang “entry for a fee, fly for a fee” racket ay ‘yung pagbibigay laya sa mga dayuhang nasa “blacklist order” at “hold departure order” ng bureau na makapasok o makalabas ng bansa kapalit ng “bribe money” o ‘padulas. ‘Ika nga kadalasang umaabot sa milyon-milyong piso.

Ayon sa balitang isinulat ni katotong WILLIAM B. DEPASUPIL ng pahayagang THE MANILA TTIMES, sinampahan na ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Mison, ang kanyang technical assistant na si Atty. Norman Tansingco at ilan pang mga opisyal at kawani ng BI kaugnay sa nasabing talamak na katiwalian.

Bukod sa kasong graft, sinampahan din si Mison at mga kasama ng paglabag sa Republic Act (RA) 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, paglabag sa Administrative Code of 1987 at gayon din ang paglabag sa Commonwealth Act 613 o ang Philippine Immigration Act of 1940.

Ang kaso ay nag-ugat sa maanomalyang pag-alis sa blacklist order ng Chinese national na si Yuan Jian Chua alias Wilson Ong Cheng, na nauna nang ipina-deport noong January 2014 dahil sa pagiging undocumented alien at pagku-kunwaring Filipino.

Kabilang sa mga naging basehan sa kaso laban kay Mison ang pagbigay ng verbal order, sa pamamagitan ni Atty. Tansinco, na papasukin si Yuan sa bansa, kahit na kinompirma ng Centralized Query Support System (CQSS) na nasa blacklist order pa ang nasabing Chinese.

Ayon sa record, wala rin pormal na apela ang Chinese para tanggalin ang kanyang pangalan sa blacklist order at para balewalain na ang kanyang naunang deportation order. Para pagtakpan ang anomalya, milagrong may inilabas ang bureau na lifting order, na may petsang November 4, 2014.

Gayon man, lumalabas na palpak ang ginawang pagtatakip ng mga alipores ni Mison dahil sa ilalim ng immigration law, maaari lamang tanggalin ang pangalan ng isang tao na nasa blacklist order pagkalipas ng isang taon, maaring lima (5) o 10 taon, depende sa nagawang kasalanan. Hindi lang ito ang unang insidente. Nitong nakaraang Abril, pinapasok din nila ang Chinese national na si Wong Iek Man sa Mactan City International Airport sa Cebu.

Si Wong ay inilagay sa blacklist noong January 14, 2015 dahil sa pagiging undesirable alien at hinihinala rin na human trafficker, ngunit pagkalipas lamang ng tatlong buwan nakapasok na uli sa bansa.

Ayon sa ating mga impormante sa BI, marami pang kahalintulad ng mga anomalya ang nangyari at patuloy na nangyayari. “Nadadamay kami sa mga katarantudahan nila,” sabi ng isa nating katoto sa BI. 

‘Yun ibang inosenteng Immigration employee sa NAIA ay nadamay pa sa kaso dahil sa nasabing katarantaduhan.

Aniya panahon na para ipag-utos ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang malawak at malalim na imbestigasyon sa mga nangyayaring katiwalian sa ahensiya. Ayon pa sa ating source, kasalukuyan nilang binubuo ang isang pormal na liham para kay DOJ Secretary Leila De Lima na humihiling na imbestigahan si Mison at mga kasama at ipag-utos ang kanilang suspensiyon sa lalong madaling panahon. Nararapat lang na imbestigahan sina Mison at mga kasama at patawan ng kaukulang parusa kapag napatunayang nagkasala.

***

Sino kaya ang kumita sa konrata ng Security Guards sa BOC. Masyado naman garapal dahil wala man lang daw bidding na naganap at ang balita natin si DepCom Lachica at Dir. Lejos.

Mukhang mali ‘yata ‘yan, dahil balita natin ang lahat ng kontrata ay hindi dumaan sa Bidding. Kanila rin daw ang tubig, janitorial at balita natin di na-renew ang kontrata ni Lejos.

May dalawa umanong Toyota vios na nawawala. Grabe naman, kung may katotohanan ang anomalyang ‘yan, pasok ‘yan sa Ombudsman.

Ang balita pa natin ay naghaharian daw sina Lejos at Lachica.

Hindi ba nila alam na pansamantala lang sila sa BOC?

***

Talagang magagaling at mahuhusay ang mga taga-BOC-NAIA, ESS, CIIS at lahat ng empleyado dahil magaling ang leader na si District Collector Ed Macabeo.

Maayos at tapat na pamamalakad para makamit ang kanilang Collection Target.

At sa ESS-NAIA ay talagang maaasahan ang tandem ni District Commander Lt. Regie Tuason at Deputy Commander Lt. Sherwin Andrada. Walang makalulusot na kontrabando sa kanila at full support sa programa ni Coll. Macabeo. 

Keep up the good work mga tol! Mabuhay kayo! 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *