Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert-Kris movie, tuloy na!

051815 kris aquino herbert bautista

00 Alam mo na NonieTULOY na ang pelikulang pagsasamahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Nagkaroon na ng story conference ang unang pelikula na pagsasamahan ng dating magdyowa.

Si Direk Antoinette Jadaone ang bubuo at magdidirek ng pelikula na ang tentative title ay He Said, She Said.

Ipinahayag ni Kris na tinanggap niya ang pelikula with Bistek dahil kailangan niya raw ng closure at ito ang magpapatunay na okay na siya at hindi na iiyak everytime na uuwi ga-ling sa shooting ng kanilang pelikula.

Si Mayor Herbert naman ay hindi makatatanggi sa project na ito kasama si Kris at excited na raw siyang simulan ang pelikula. May mga rules daw silang susundin sa shooting days ng project na ito. Bawal ang visitors para makapag-concentrate sila sa kanilang roles at sa shooting.

Hands-on at puwedeng makialam din daw sa story sina Kris at Herbert. Iikot daw ang istorya ng pelikulang ito sa da-ting college sweethearts na hindi nagkatuluyan at muling nagkita sa present time.

Sa Star Cinema ang pelikulang ito at makakasama rin sa cast ang anak ni Tetay na Si Bimby.

Matatandaang nauwi sa hiwalayan ang naging relasyon nina Kris at Herbert, na noong una ay itinatanggi pa ni Kris.

Sa naunang panayam namin kay Mayor Herbert, sinabi ni-yang kung sakali, gusto raw niya ay isang Romantic-Comedy ang maging first movie nila ni Kris.

“Dapat ay something light, para alaskahan lang kayo nang alaskahan. Something light na parang Adam Sandler-Jennifer Aniston type ng movie,” paha-yag pa niya.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …