PATAY ang tatlo katao sa naganap na sunog sa residential area sa Brgy. Bagong Kalsada, Naic, Cavite nitong Sabado.
Kinilala ng BFP Region 4-A ang mga biktimang sina Nomer Eridao, 48-anyos; Arth Gavriel Nazareno, 5; at Ayana Gracellana Nazareno, 2, pawang na-suffocate.
Sumiklab ang sunog dakong 4 p.m. at umabot sa ikalawang alarma bago naapula dakong 6:55 p.m.
Dalawang bahay ang nasunog at nadamay ang library ng Cavite State University.
Inaalam pa ang halaga ng pinsala at pinagmulan ng apoy.
100 pamilya apektado ng panibagong sunog sa Vale
MAHIGIT 100 pamilya ang naapektohan ng panibagong sunog sa Valenzuela City.
Kagagaling lang sa panonood ng Santacruzan ang karamihan sa mga residente sa Pinagpala St., Brgy. Marulas nang sumiklab ang sunog nitong Sabado ng gabi.
Sinasabing nakaamoy sila nang nasusunog na goma hanggang sumiklab ang sunog.
Napasugod sa lugar si Mayor Rex Gatchalian para personal na makita ang sitwasyon lalo’t katatapos lang nang malagim na sunog sa Brgy. Ugong na 72 ang namatay.
Umabot sa ikalimang alarma ang halos dalawang oras na sunog sa Pinagpala St., bago na-apula dakong 12:10 a.m. ng madaling araw kahapon.
Rommel Sales