ANG tagumpay ng El Gamma Penumbra ay sumasagisag sa angking talino at husay ng mga Filipino na sa maraming pagkakataon ay napatunayan na sa iba’t ibang larangan.
Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. makaraan itanghal na kauna-unahang winner ang grupong El Gamma Penumbra sa Asia’s Got Talent sa Singapore kamakalawa ng gabi.
Tinalo ng grupo ang walong finalists mula sa iba’t ibang bansa sa Asya kabilang na ang tatlong iba pang Filipino finalists.
Pinuri rin ng Palasyo ang tatlo pang finalists na sina Gerphil Flores, Gwyneth Dorado at ang dance group na Junior New System na nagpakita rin ng angking galing at talento.
Rose Novenario