NEXT year, tatlong dekada nang ginawang fa-mily business, not only BINAY et al, maging political dynasty at ng Kamag-anak Inc., sa north, east, west and south ang politika sa ating pob-reng bansa.
Akala po natin, after EDSA revolution, nang mapalayas natin ang diktaturyang rehimeng Marcos, magbabago na, gaganda at uunlad na ang buhay at kabuhayan ng mga Pinoy dito sa ating bansa. Hindi po pala. Hanggang sa pangarap lang pala.
Ang mga dating anak ng hampaslupa, ang umunlad, ngunit ang mga anak ng totoong tao na makabayan at maka-Diyos ang mga naging biktima pa ng mga hampaslupang ito, na ngayo’y mga bilyonaryo na. Mga dati’y pa-refill-refill lang ng kape sa mga coffee shop. Right Ahen Chen et al?
Superstar ka sa pelikula, like Asyong Salungga -panalo ka. In cahoots with corrupt Comelec officials and most of all, the evil gods of Padre Faura.” Love and greed of money is the root of dark justice in every country.
Naging kultura na rin ang pera sa politika sa buong kapuluan. Kaya nga rin sa sobrang laki ng ginastos ng isang politiko, kapag nailuklok na sa puwesto, sampung higit na beses na magnanakaw sa kuwarta ng sambayanang Filipino. Kaliwa’t kanan ang hataw ng pagnanakaw, para mabawi ang salaping pinakawalan niya sa panahon ng halalan.
Maraming totoong tao, ang ibig maglingkod sa sambayanan na makabayan, maka-Diyos at makatao. Ngunit atubili sila, sapagkat sa lara-ngan ng politika dito sa bansa natin, normal lang ang magpakawala at gumastos ng salapi sa panahon ng eleksyon. Kaya bihira tuloy ang may lakas ng loob na mahihirap na lumahok at sumabak sa politika.
Sa darating na halalan sa Mayo 2016, uulan na naman po ng salapi buhat sa mga politiko, lalo’t higit sa inyong mga magnanakaw na senador, congressman , governor, mayor at mga barangay captain, chairman down to kagawad et’ al. Tanggapin o kunin po ninyo ang mga kuwartang ito, pera din po natin ‘yan na nangga-ling din sa kuwarta ng pamahalaang lungsod at bayan.
Katas po iyan mga kababayan ng mga ko-misyon buhat sa mga overpricing na mga pagawaing bayan, komisyon buhat sa mga gamot, intelligence fund, mga ghost project atbp, klase ng mga pandurugas na ginagawang legal ‘kuno’ ng ilang mga tiwaling opisyales ng pamaghalaan sa buong kapuluan. Ano’ng say mo Nognog Binay et al?
At sa eleksyon next year, Mayo 2016, Ba-yan, pakasuriin at pag-isipan po ninyong mabuti kung karapat-dapat ba na magpatuloy sa panunungkulan, lalo’t higit ang inyong mga Alkalde. Kahit mga Santa at Santo ng mga simbahan ay kinakalakal, ginagamit at kinakasangkapan para lang sa kanilang sariling kapakanan. Hulog po ba ng langit si mayor? Kailan naghulog ng demonyo ang langit sa lupa? Ano sa akala po ninyo ba-yan? Anong say mo Erap?
Sapat na po ba bayan ang isa o dalawang libong piso kada isang boto bilang kabayaran at kapalit ng inyong sagradong boto? Remember, sa inyo rin po nanggaling ang perang iyan na ipinambili ng mga boto ninyo ng inyong mga ma-yor et al. Iyan po ang katotohanan. Pag-isipan po ninyong mabuti ang mga isyung ibinunyag ng dating Mayor ng Pagsanjan, Laguna na si Ka Abner Afuang.
Lord, kayo na po ang bahala sa mga demonyong politiko na nagkalat ng Lagim sa lupa.
Hindi marumi ang politika. Ang marumi at higit na nagpaparumi ay politiko, ang tao. Huwag na tayong lumayo. Tatalakayin po natin bayan, ang inyong mga alkalde. Bakit hindi ninyo suriin at balikan ang hitsura ng kanilang mga buhay at kabuhayan bago sila naging mayor ng inyong bayan at ng mga lungsod noon at ngayon.
Umangat ba ang mga buhay at kabuhayan ninyo? Sa kabila ng abot hanggang langit ang utang inang yan ng bayan ninyo. O umangat ang buhay at kabuhayan ng inyong mayor at ng mga kapamilya nila? Matatawag mo bang paglilingkod sa bayan ang magpataba ng kanilang sariling bulsa? Sakripisyo ang salapi, kuwarta, pera na pag-aari ng taong bayan na kanilang nasasakupan? Kung ganoon po bayan, anong legacy ang iiwanan ng inyong malilikot at mga babaerong alkalde? Hindi po ba utang? Sino po ang magbabayad ng mga perang ninakaw ng alkalde ninyo? Hindi po ba tayong mga mamamayan na kanyang nasasakupan? Hindi po si mayor at ang kanyang mga konsehal ang magdurusa sa pagbabayad ng mga utang. Tayo po. Mag-isip-isip po kayo sa darating na eleksyon next year, May 2016.
UGALIING manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan” Martes at Miyerkoles 9 to 12 nn. Mayor Abner Afuang with Royal Cable TV 6 & Southern Tagalog Broadcast Journalist Assn. Inc., President Cris Sanji. Maraming Salamat po. Godspeed.