Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 anak tinuhog, ama arestado

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang padre de pamilya makaraan halinhinang gahasain ang tatlong anak na babae, kabilang ang dalawang menor de edad, sa Brgy. Bonganbon, Nueva Ecija.

Kinilala ni OIC Chief Supt Ronald Santos ang suspek na si Mario Tuquero, 51, ginahasa ang tatlo niyang mga anak na sina Dyutay, 14; Bobot, 11; at Marisol, 19, pawang ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon, nagsumbong kaugnay sa insidente si Marisol sa kanyang Ate Mharie na sinadya niya sa Pandi, Bulacan.

Agad dumulog si Mharie sa mga awtoridad at ipinaaresto ang kanilang ama.

Luhaang inilahad ni Marisol ang sinapit sa kamay ng ama at ibinulgar din sa pulisya ang paggahasa ng suspek sa dalawa pa niyang nakababatang kapatid.

Aniya, hindi agad siya nakapagsumbong dahil sa banta ng suspek na sila ay papatayin.

Ikinagulat ito ng kanilang ina at sinabing wala siyang kamalay-malay sa mga nangyari habang siya ay wala sa kanilang bahay.

Nasa kostudiya na ng Women’s and Children’s Protection desk ang mga biktima na isinailalim sa counselling habang nakapiit na ang suspek.

 Raul Suscano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …