NASA malubha nang kondisyon ang 2,177 HIV-AIDS victims sa bansa mula sa kabuuang 24,376 na nagpositibo sa naturang sakit mula noong 1984.
Ayon kay Dr. Karen Junio, pinuno ng HIV/AIDS Surveillance Team ng Department of Health Region I, sa nabanggit ding bilang, 1,167 lamang ang nai-report o mismong ang pasyenteng nakararanas ng sakit ang sumangguni sa doktor.
Posible pa aniyang maging triple pa ang bilang nito kung lahat ng biktima ng HIV-AIDS ay lalapit sa kinauukulang mga ahensiya para ipagbigay-alam ang kanilang kalagayan.
Marami aniya sa nagiging biktima ng sakit na ito ay nahihiyang lumantad at ipaalam ang kanilang kondisyon sa pangambang itakwil at pandirihan sila ng lipunan.
(HNT)