Friday , December 27 2024

Sen. Grace Poe pinag-aagawan  

00 bullseye batuigasBAGAMA’T baguhan sa mundo ng politika, sa lakas ng dating ni Sen. Grace Poe at mabilisang pagtaas ng kanyang ratings sa mga naglabasang survey ay pinag-aagawan siya ng mga partido.

Nagpahayag na ang kampo ng United Nationalist Alliance (UNA) ng interes na kunin siya para maging tandem ni Vice Pres. Jejomar Binay sa pagtakbo para pangulo.

Pero mayroon naman nagsasabi na gusto nilang si Poe ang maging vice presidential candidate ni Interior Sec. Mar Roxas sa 2016 sa tandem na “Mar-Poe.”

Maging si Pres. Noynoy Aquino ay nagpahayag sa panayam sa radyo noong isang araw na, “Naniniwala tayong tama ang kanyang mga pananaw or nasa tamang direksyon ang gusto niyang tahakin.”

Tiwala ang Pangulo na may kakayahan si Poe na gawing permanente ang mga programang pangreporma na kanyang sinimulan. Bahagi ito ng criteria ni P-Noy sa pagpili ng kandidato na kanyang binanggit sa mga nauna niyang talumpati.

 “Kailangan maging permanente na ito. Palagay natin, si Sen. Poe ay isa sa mga taong puwede talagang asahan natin na magpatuloy nito,” ang sabi ng Pangulo.

Hindi man direktang tinukoy ni P-Noy na plantsado na ang usapan sa pagkuha kay Poe ay maliwanag pa sa sikat ng araw na sadyang tiwala siya sa anak ng yumaong “Hari ng Pelikulang Pilipino” na si Fernando Poe Jr. Nang magkita sila noong isang linggo ay binanggit daw ng Pangulo na bukas siya sa posibilidad na pagtakbo ni Poe bilang tandem ni Roxas.

Sa isang panayam sa TV ay nagpahayag ang political analyst na si Ramon Casiple na naniniwala siyang tiyak na ang panalo ni Poe kung sakaling tatakbo bise presidente. Ang matindi pa, ang palagay ni Casiple ay malaki ang tsansa na talunin ni Poe si Binay para pangulo.

Nagsimula man daw sa malayo pero mabilis at halos 100 porsyento ang naging pagtaas kamakailan. Ngayon daw ay nasa posisyon na si Poe para labanan ang nangungunang si Binay. Kung magtutuloy ang momentum na ito ay wala raw duda na pagsapit ng pagpa-file ng kandidatura ay lalagpasan pa niya ito.

Ang matinding laban kasi ni Poe sa ibang mga kandidato ay wala siyang kinasangkutan na kahit katiting na iregularidad sa kanyang paglilingkod sa bayan.

Malayong-malayo nga naman ito kay Binay na nasabit sa mga isyu ng anomalya na hindi niya nagawang harapin o sagutin nang harapan sa Senado, kahit hiniling ng taong bayan.

Akalain ninyong ngayon ay ipina-freeze pa ng Court of Appeals ang 242 bank accounts at insurance policies na nasa pangalan daw ni Binay, ng kanyang kapamilya at mga kaalyado na pinaniniwalaang kanyang mga “dummy.” Ang utos ay batay sa mga ebidensya na iprinisinta ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Ito ang pinakamabigat sa mga isyu laban sa kanya.

Kailangan talaga ng bansa ng malinis at walang bahid-dungis na pinuno at ito ang mga katangiang makikita kay Poe. Ang tanong na nga lang, mga mare at pare ko, ay kung pipiliin niyang maging bise presidente o presidente? Ano ba ang desisyon mo, Sen. Poe?

Abangan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *