Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teleserye ni Jolina at Marvin wala nang extension (Papalitan na ng Passion de Amor)

ni Peter Ledesma

012715 flordeliza marvin jolina

WALA namang problema sa rating at maraming commercial ang Flordeliza nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Pero nagdesisyon ang Dos na tapusin na ito sa ere at papalitan na ng Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na Passion de Amor na sabi ay ipalalabas na nga-yong buwan. Sa maagang pagkawala ng serye ay parang bitin raw ang director nina Jolens at Marvin na si Direk Wenn Deramas na kung siya ang masusunod ay gusto pa ni direk na magtagal ang show lalo’t hindi naman daw ito nagpapa-kabog sa ratings.

Well agree kami kay Direk Wenn dahil kahit bihira lang naming mapanood ang Flordeliza ay nagmarka na agad ito sa amin at ang gagaling talaga ng mga artista dito kahit na ‘yung dalawang batang babae na gumaganap na mga anak ni Marvin kina Jolina at Desiree del Valle. Siyempre given na ang husay ni Valerie Concepcion na villainess sa nasabing serye.

Sayang na sayang gyud!

LIHIM NG PAGKATAO NI ALEX, MABUBUNYAG NA SA INDAY BOTE

040815 Alex gonzaga

Patindi nang patindi ang tensyon sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Inday Bote” ngayong mag-uumpisa na ang mala-king pagbabago sa buhay ng karakter ng Kapamilya TV host-actress na si Alex Gonzaga. Sa pagpapanggap ni Andeng (Alora Sasam) na siya ang nawawalang apo ni Lita (Alicia Alonzo), mas iinit na ang mga tagpo sa “Inday Bote” lalo na at lumalakas ang pagdududa ni Fiona (Aiko Melendez) na si Inday (Alex) ang ma-tagal nang hinahanap ng pamilya Vargas. Maitatago ba ni Fiona sa lahat ang katotohanan kapag nakompirma niya na si Inday nga ang nawawalang si Kristal? Paano magbabago ang buhay ni Inday sa oras na matuklasan niya kung sino ang tunay niyang pa-milya? Huwag palampasin ang kapanapanabik na kuwento ng pangarap at hiwaga sa “Inday Bote,” gabi-gabi, bago mag-”TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormas-yon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com /Dr- eamscapePH. Maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Inday Bote” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …