ni Ronnie Carrasco III
PERSONALLY, naka-relate kami sa medical case ng singer-comedienne na si Joy Viado. Tulad kasi ng inyong lingkod, ang inakala ni Joy na isang simpleng sugat sa kanyang binti ay lumala dala na rin daw ng kanyang kapabayaan.
Confined at the Chinese General Hospital, nakatatlong debridement na siya. Ang surgical procedure na ito ay ang pagkayas ng infected wound.
Pero may inirerekomendang mas garantisadong procedure sa kanyang sugat na hindi raw gumaling kahit langgasin pa ng bayabas. Joy describes it as slipping into a spaceship na lalagyan ng oxygen ang kanyang paa.
Daily daw ang prosesong ‘yon with each session na nagkakalaga ng P6,000. Twenty sessions daw ang kailangan. This will save her leg from amputation.
Kaya naman layunin ng kanyang Jam for Joy benefit show sa May 31 ang makalikom ng perang pantustos sa kanyang medications.