Binggo si Binay!
hataw tabloid
May 15, 2015
Opinion
ALAM na ngayon ng buong mundo na tinatayang aabot sa P16-B ang kinamal ng mga Binay at kanilang dummies na kayamanan mula noong 2008, ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) report.
Hindi na maikakaila ng mga Binay ang nagniningning na katotohanang nagpayaman sila sa loob ng 29 taon pa-mamayagpag sa Makati City.
Naglabas na ng freeze order ang Court of Appeals (CA) laban sa 242 bank accounts at investments ng mga Binay at kanilang mga dummy dahil kombinsido ang CA sa report ng AMLC na ito ay kinita sa illegal na paraan na nagkakahalaga ng P600-M.
Sakop ng CA freeze order ang mga bank account nina Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr., Dr. Elenita Binay at ang mga pinaniniwalaang dummies na sina Gerardo Limli-ngan, Eduviges Baloloy, Antonio Tiu, Lily Hernandez Crystal, Carmelita Palo Galvan, Francisco Balaguer Baloloy, Bernadette Cezar Portollano, Mitzi Sedillo, Margeurite Lichnock, Melissa Gay Castañeda Limlingan, Victor Limlingan, James Lee Tiu, Pee Feng Lee, Ann Lorraine Buencamino Tiu, Frederick Dueñas Baloloy, Mario Alejo Oreta, Jose Orillaza, Daniel Subido, Man Bun Chong, Joy Mercado at ang kompanyang Omni General Services Inc.
Natuklasan sa AMLC investigation na si VP Binay, asawang si Elenita, anak na si Jun-jun at kanilang dummies ay nagsagawa ng malakihan at madalas na bank transactions mula 2008 hanggang 2014, ang panahong itinatayo ang Makati City Hall parking building at Makati Science High School Building.
“Considerable amounts of US dollars were transferred from Philippine to Canadian banks in the years 2008 to 2014, the period when the subject buildings were constructed. The US dollar transferred originated from accounts held either individually by Limlingan, or jointly by Limli-ngan and VP Binay at Rizal Banking Commercial Corporation, Metropolitan Bank & Trust Company, or BDO Unibank, Inc,” saad sa AMLC report.
Eto pa ang nabuko ng AMLC, “At least 78 large transactions and five notable transactions involving Mayor Junjun Binay’s aforementioned accounts were observed to have been made from 8 April 2003 to 8 January 2015.”
Hindi na puwedeng gamitin ng mga Binay ang gasgas na alibi na politika lang ang lahat ng akusasyon sa kanila dahil ang AMLC report ay dokumentado, at ang mga ebidensiya ay nagmula mismo sa mga banko na pinagtaguan nila ng kayamanan.
Siguradong ang pinakamalaking pangamba ng mga Binay ay nabisto ng buong mundo na sa Filipinas ay may isang Jojo Binay na nagsimula bilang gusgusing human rights lawyer na kasamang kumondena sa diktadurang Marcos at nagtapos ang karera bilang politikong mandrambong na nakakulong.
Tapos ang boksing!
Tuwang-Tuwa, nagdiriwang si Erap at mga alagang aso
NAPAPADALAS raw ang pagpupulong ng kampo ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, lalo na ang kanyang mga bayarang mamamahayag.
Naglulundagan na sila sa tuwa sa mabilis na pagbulusok ni Binay bilang 2016 presidential bet dahil nakasilip ng tsansa ang idolo nilang sentensiyadong mandarambong na makabalik sa Palasyo.
Ang karamihan pa sa mga tiwaling taga-media na nasa bulsa ni Erap ang nagkukumahog na magbalangkas ng kanyang mga pakulo para ibangon ang bulok niyang imahe, nariyan ang paggamit kay Manny Pacquiao at pagpondo ng media forum.
Balita nati’y tatlong grupo ang nagkokompetensiya sa pagsipsip kay Erap para mapondohan ang kanilang media plan. (Tama ba, Ferdie Hustler, Angel Aso at Diego Casino?)
Halos mabundat sila sa kabusugan tuwing lalamon sa naglalakihang restaurant na ang ipinambabayad ay mula sa kinotong ng kanilang pangkat sa mga pobreng driver at sidewalk vendor sa Maynila.
Paano naaatim ng konsensiya ng mga damuho na ibalik sa poder ang isang sentensiyadong mandarambong na ninakaw ang daan-daang milyong pera ng SSS at GSIS?
Paano sila nakatutulog nang mahimbing ga-yong ang gusto nilang iluklok ulit sa Malacañang ay nagpahirap sa Filipinas at kumitil sa libo-libong buhay ng mga Moro sa inilunsad na all-out war sa Mindanao?
Hindi kaya sila natatakot multuhin ni PR man Bubby Dacer na naging baka nila noong buhay pa at ngayon ay tinatangkilik naman nila ang nagpapatay sa kanya?
Alam kaya nina PNoy at DILG Sec. Mar Roxas ang umuugong na balita na tumitindi ang kutsabahan nina Paquito Ochoa at Edward Serapio para makabalik si Erap sa Malacañang?
Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]