Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unli saya at ligaya sa TNAP 2015 convention ng Puregold

051415 Ruby Jose joey puregold

00 SHOWBIZ ms mMULING magpapasaya ang Puregold Priceclub Inc. sa kanilang pinakamalaki at grandiosong installment ng taunang Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention na magaganap sa Mayo 20-24 sa World Trade Center, Pasay City.

Limang araw ang ekstrabagansang ito na walang katapusang saya para sa bawat miyembro ng TNAP program ng Puregold. Sa nakalipas na 12 taon, patuloy ang pag-ayuda ng Puregold sa mga negosyanteng Pinoy sa pagbibigay ng karagdagang kaalaman para lalo pa nilang mapalago ang kanilang mga negosyo. Tanging Puregold ang nagbibigay ng sari-sari store at reseller packages sa mga maliliit na negosyanteng gustong pasukin ang ganitong negosyo mula sa kompletong business package para sa sari-sari store start-up o re-launch, kabilang na rito ang store design at promotion, technological assistance, crash course sa basic retail, at media exposure. Kapuna-puna na ang mga sari-sari store owners mula Luzon, Visayas, at Mindanao ay pinagkakatiwalaan dahil sa affiliation nila sa Puregold at Tindahan Ni Aling Puring.

Isa sa major highlights ng convention ay ang official launch ng pinakabago at pinalakas na TNAP membership card na naglalaman ng bongga at eksklusibong benepisyo para sa mga miyembro nito. Libre at lifetime ang membership sa TNAP. Bawat kasapi ay maaaring makakuha ng points sa bawat item na mabibili sa Puregold. Ang minimum purchase na Php200 ay may 1 point katumbas ng Php1.00. Ito ay maiipon at maaaring i-redeem sa lahat ng mga cashier ng mga Puregold branch sa buong bansa. Maaari ring i-redeem ito sa loob ng dalawang taon sa kahit na anong Puregold branch saan mang panig ng bansa. Magkakaroon ng access ang mga cardholder sa iba pang kapana-panabik na mga reward at mga eksklusibong events.

Bilang karagdagang bonus para sa convention ngayong tao, kinuha ng Puregold ang mga naglalakihang artista ng bansa para lalong maging maningning. Pinangungunahan ang line-up ng longtime endorsers ng Puregold na sina Joey De Leon, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, Boy Abunda, at Vic Sotto. Sina Vic, Jose, Ruby, at Joey ang opisyal na maglulunsad sa bago at pinalakas na TNAP membership card. Maaari ring abangan ng mga TNAP member ang mga espesyal na performances mula sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla; sa Voice Of Asia grand winner na si Dessa; sa mga sikat na batang artista tulad nina KC Concepcion, Maja Salvador, Julia Barretto, John Lloyd Cruz, at Diego Loyzaga; sa komedyanang si Giselle Sanchez at mga komedyante na sina Ramon Bautista, Donita Nose, MC, Lassy, Chad Kinis, and Negi; sa mga rock icon na Kamikazee, si Mitoy & The Draybers, at ang Parokya Ni Edgar; ang rapper na si Gloc 9; at kay Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

Maaari ring matuto ng mahahalagang tips at methods ang mga miyembro mula sa mga libreng trainings at seminars mula sa mga esteemed negosyo gurus. Gagantimpalaan din ng Puregold ang mga top purchaser ng mga fantastic prizes gaya ng one-minute shopping sprees, Puregold gift certificates, gadgets, at cash prizes. Ipakikita lamang ng mga miyembro ng Tindahan Ni Aling Puring ang kanilang membership card upang makasali sa convention ng libre.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang opisyal na website ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang Puregold sa Facebook, i-follow ang @Puregold_PH sa Twitter, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram.

ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …