NAGA CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang padre de pamilya sa Infanta, Quezon, makaraan ireklamo ng sariling misis ng pangangalunya.
Nabatid na hinahanap ng 28-anyos ginang ang kanyang asawa sa lugar na inakala niyang nagtatrabaho, upang humingi ng pera para sa kanilang anak na may sakit.
Ngunit laking gulat ng ginang nang makita niya ang apartment na tinitirahan ng kanyang mister kasama ang kalaguyo.
Ayon sa mga kapitbahay ng kanyang mister, dalawang buwan nang nagsasama ang suspek at ang kanyang babae.
Bukod dito, tumanggi rin ang suspek na magbigay ng pera para sa kanyang mga anak.
Bunsod nito, nagsuplong sa pulisya ang ginang at desididong kasuhan ng concubinage ang kanyang mister.