ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang palawigin sa 90 araw ang maternity leave ng mga babaeng empleyado para lubos na makarekober bago bumalik sa trabaho.
Aamyendahan ng House Bill 5701 ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang kasalukuyang batas na 60 araw lamang ang maternity leave.
With pay ang 90-day maternity leave na isinusulong ni Villar at makaraan ito, maaari pang humirit ng dagdag na 30 araw na maternity leave ang empleyado ngunit wala nang bayad.
Sakop din ng panukala ang mga single mother.
Sa ilalim ng Commonwealth Act 647, limitado lamang sa mga babaeng may asawa ang iginagawad na maternity leave. Ayon kay Villar, hindi ito makatwiran dahil mistulang itinuturing na second class citizen ang mga single mother.