Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Batas vs carnapping pabibigatin

BUNSOD nang tumataas na kaso ng carnapping sa bansa, sinuportahan ng Senado ang hirit na pagpapabigat sa batas laban sa carnapping, at pag-amyenda sa anti-fencing law. 

Tiniyak ni Senate Committee on Public Order chairperson Grace Poe, hihigpitan ang paghahain ng proof of ownership sa mga hinihinalang nakaw na sasakyan pagdating sa mga presinto.

Tatanggalin din aniya ang piyansa para sa carnapping at pabibigatin ang mga parusa laban dito. 

Babala ng senador, “‘Pag naipasa po itong batas na ito, ‘pag kayo ay nahuli, hindi na kayo makakawala… Wala nang bail dahil sobra na talagang ginagamit nila ang proseso para hindi sila makulong.” 

Isinusulong din sa Senado na pagbawalang makabalik sa gobyerno ang sino mang opisyal na mapatutunayang kasabwat ng mga carnapping group. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …