Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usad ng pasahero sa LRT bumagal sa new ticket system

BUMAGAL ang pasok ng mga pasahero sa Light Rail Transit (LRT) dahil sa bagong ticket system nito. 

Inamin ni LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, naiipon ang mga pasahero dahil kalahati lamang ng ticketing gates ang nagagamit. 

Paliwanag ng opisyal, kung sa bawat istasyon ng LRT ay may 10 ticketing gate, lima lamang ngayon ang nagagamit dahil pinalitan na ito ng modernong ticket gate gamit ang bagong ticket ng LRT.

Habang binaklas ang nalalabing lima para palitan ng bagong ticketing gate sa susunod na mga araw.

Jaja Garcia

MRT muling nagkaaberya sa pumalyang computer box

MULING nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) nitong Martes ng umaga.

Dakong 7:42 a.m. nang huminto ang isang tren sa may Ortigas station southbound at pinababa ang mga pasahero.

Ayon kay Bing Zaide, tagapagsalita ng Global APT na maintenance contractor ng MRT, nagkaproblema ang computer box para sa safety control ng tren. Nag-blackout ang screen nito kaya napilitang i-pull out ang tren.

Ganito rin ang nangyari sa isa pang tren sa may Magallanes station ngunit nakabiyahe pa ito dahil na-reset agad ang pumalyang computer box.

Ayon kay Zaide, masyado nang luma ang mga computer box at matagal na rin nila itong pinoproblema.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …