Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uncle ni PNoy pumanaw sa aneurysm

PUMANAW na si Tarlac First District Rep. Enrique Cojuangco nitong Martes.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, si Cojuangco, 74, ay binawian ng buhay dakong umaga nitong Martes bunsod ng aneurysm.

Kinompirma ito ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. “We’re sorry about his untimely demise,” pahayag ni Belmonte.

Si Cojuangco ay nakababatang kapatid ng business magnate na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., at maternal uncle ni Pangulong Benigno Aquino III.

Bilang chairperson mg House committee on economic affairs, isinulong ni Cojuangco ang pagsasabatas ng Philippine Fair Competition Act.

Bilang parangal kay Cojuangco, nangako si Belmonte na ipapasa ang nasabing panukala sa 16th Congress.

Sa kabilang dako, nagpahayag ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng mambabatas.

“We convey our deepest condolences to his bereaved family. Representative Cojuangco served for two terms and was known and admired for his professionalism and dedication to public service,” ayon sa Malacañang.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …