Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Coco, future na nila ang pinag-uusapan

031215 julia coco

00 fact sheet reggeePAGKATAPOS kaya ng Wansapanataym Presents Yamashita’s Treasure episode nina Coco Martin at Julia Montes ay tuloy-tuloy pa rin ang komunikasyon nila?

Itutuloy na kaya ni Coco ang panliligaw kay Julia? Ang katwiran niya noon, hindi muna niya ito itinuloy dahil masyado pang bata ang aktres at busy sila sa kanilang career.

Kamakailan, nabanggit ng aktor na inihahanda na niya ang sarili sa pagkakaroon ng pamilya dahil natupad na ang pangarap niyang makapagpatayo ng bahay para kasa-kasama niya palagi ang kanyang mga kapatid at magulang.

Si Julia na nga kaya ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay? Parang imposible namang hindi, dahil ginagabayan na niya ang dalaga sa mga pagdedesisyon nito.

At para ngang may maayos na silang usapan para sa future nila. Sabi nga, ayos na ang buto-buto.

“Nagpapasalamat ako na nandiyan si Coco para magbigay ng gabay sa akin dahil ibang klase siya magbigay ng payo,” kuwento ni Julia nang makaharap namin noon sa launch ngYamishita’s Treasure.

“Suwerte ako kasi bago ako magkamali, nagtitiwala ako na lagi siyang nandiyan para mag-advise sa akin.”

Kaya marami ang nakakapansin na parang hindi na sila umaarte sa Yamishita’s Treasure. Tumayming at nag-swak pa naman sa role nila bilang Tanya at Yami ang tunay, malalim, at maganda nilang samahan (o relasyon?).

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …