Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, inapi at ‘di welcome sa concert ni Jed

ni Roldan Castro

051315 gerald santos Jed Madela

NAAWA kami sa Pinoy Pop Superstar Champ na si Gerald Santos dahil inapi siya sa concert ni Jed Madela sa Music Museum noong Friday. Maayos naman ang billing at kinalalagyan ng picture niya sa poster bilang guest pero pakiramdam namin ay hindi siya welcome sa naturang concert.

Una, ayaw nilang pagamitin ng areglo si Gerald at minus one lang samantalang ‘yun ang ipinahanda ng Pink Productions. Ang the height ang gustong mangyari ng manager ni Jed ay gawing front act ng concert ni Jed si Gerald.

Hindi naman puwedeng makipagtalo ang manager niyang si Doc Rommel dahil hindi siya nakipag-coordinate kundi ang producer ni Gerald sa kanyang concert sa PICC Plenary Hall sa June 13 na Pink Productions sa kampo o producer nina Jed.

Hinayaan niyang ang Pink ang umayos ng pambabastos ng production ng concert ni Jed. Hindi na rin sana magpe-perform si Gerald kung front act lang din siya ni Jed. Na-disappoint tuloy ang Pink Productions sa treatment ng manager ni Jed kaya hindi na nila ikino-consider ang matabang singer na maging guests sa anumang concert ni Gerald.

Para namang nakapanliliit sa sarili ang treatment nila kay Gerald. Nagkaroon naman ng mga solo concert si Gerald maski sa Music Museum, Skydome, at ngayon sa PICC, tapos, gagawin lang siyang front act. Hello naman! Nagkaroon din ng apat na album si Gerald.

Hindi rin matatawaran na 4 consecutive years na na-nominate siya bilang Best Male Concert Performer ( 2011-2014 ) sa Aliw Awards at maging sa Star Awards for Music.

Tumanggap na rin siya ng awards bilang Male Pop Artist at na-nominate na ring Recording Artist of The Year.

Hindi nga napuno ni Jed ang Music Museum noong Friday para maliitin nila si Gerald.

Hay naku!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …