Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Flordeliza, hindi na ie-extend

 

ni Eddie Littlefield

012715 flordeliza marvin jolina

Siyempre, present din si Ai Ai Delas Alas sa special na okasyon na ‘yun kaya naitanong namin kay Direk Wenn kung masaya ito na nasa Kapuso Network na ang komedyana. ”Kami naman ni Ai Ai kahit lumipat siya ng ibang estasyon, nag-uusap kami almost everyday sa viber, nagbabalitaan. Sabi nga niya sa akin, ‘yung desisyon niyang ‘yun siyempre mawawalan at mawawalan siya ng kaibigan doon sa rati niyang estasyon (ABS-CBN). Isa lang ako roon sa kaibigan niya na walang mababago kahit anong mangyar,” tugon ni WD.

‘Yung movie nina Direk Wenn at Ai Ai tiyak na tuloy pa rin na sa Viva Films project.”Magsisimula kami ng January or Febrary 2016. Wish ko lang, sana makapag-concentrate ako sa Claudine, Pokwang, Richard, at saka Coco-Vice, si Vice magko-Coco, si Coco magba-Vice,” wika nito.

Nalulungkot lang si Direk Wenn na sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang teleseryeng Flordeliza, hindi raw tinupad ng management ang pangako nilang extension. Napag-alaman naming ang ABS-CBN pala ang nakiusap kay Direk Wenn ng extension na 13 episode. Pinagbigyan naman ng butihing director ang request. Nang maitaas na ni Direk Wenn ang rating ng Flordeliza to 15.3 percent na same rating ng Inday Bote na pang-Primetime ay at saka sasabihin sa kanya na hanggang May na lang ito.

Sa totoo lang, kinarir ni Direk Wenn ang Flordeliza para itaas ang rating. Nalaman din namin kay Direk na magtatapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN this September. ”Depende kung ire-renew nila ang kontrata ko. Basta may trabaho, I’m not closing my door. Basta ako ay isang tao kung saan may trabaho roon ako,” aniya.

Magtaas kaya ng TF si Direk Wenn if ever i-renew ng Kapamilya Network ang kontrata niya?”Hindi ko alam, bahala ang manager ko (June Rufino). Kung ano ‘yung contract, kung ano ‘yung sinasahod ko sa ABS, kontento na ako. Kapag sinabi nilang pirmahan uli tayo ng kontrata ‘yung amount the same, okay lang sa akin. Happy ako sa suweldo ko. I just hope happy sila sa akin. Hapon na nga ang ginagawa kong teleserye, wala sa akin basta may trabaho. Ilalagay ko nga sa Primetime tapos maliit ang suweldo mo eh doon na ako sa pang-hapon, malaki ang suweldo ko,” turan pa ni Wenn V. Deramas.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …