Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DoE Asec Mapandi sinibak ng Ombudsman

SINIBAK sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang assistant secretary ng Department of Energy (DeE) dahil sa sinasabing panghihingi ng pera sa isang construction firm kapalit ng paggawad ng proyekto.

Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo kay Energy Assistant Secretary Matanog Mapandi, wala na rin siyang matatanggap na kahit anong benepisyo at bawal na rin humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

Nahaharap sa kasong estafa ang mga consultant niyang sina Myrna Almonte at Francisco Merilles habang ibinasura ng Ombudsman ang reklamo laban sa administrative assistant na si Grace Toledo dahil sa kawalan ng ebidensya.

Batay sa reklamo ni Elizabeth Sibulo ng CHA Construction, humingi ng P1.3 milyon si Mapandi sa pamamagitan ng kanyang mga consultant para mai-award ang solar lighting project sa Magarao, Camarines Sur.

Nobyembre 2009 nang sabihin ni Mapandi na aprubado na ang proyekto ngunit dahil magpapalit ng administrasyon, maaantala ito pero matutuloy rin sa Sorsogon City. 

Taon 2011 nang i-follow up ang proyekto, napag-alaman ng CHA Construction na matagal na itong ibinasura ng DoE.

Sinubukan ni Mapandi na ibalik ang pera ngunit tumalbog ang mga tsekeng inisyu niya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …