ni Eddie Littlefield
BONGGACIOUS ang ibinigay na birthday party ni Direk Wenn Deramas sa bunso niyang anak na babae na si Raffi Deramas na nag-celebrate ng 5th birthday sa Tivoli Royale Club House kamakailan. Mala- Frozen ang concept ng production design ni Dani Cristobal. Naka- Elsa outfit si Raffi habang inaawit nito ang Disney theme song dedicated to his loving Daddy Wenn.
Sa pakikipagtsikahan namin kay Direk Wenn, naikuwento nitong magsisimula na silang mag-shoot ng movie nina Pokwang at Richard Yap under Star Cinema. ”Naghihintay na lang kami ng shooting schedule. Nag-meeting na rin kami para sa pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin. ‘Yung kay Claudine Barretto, naghihintay na lang kami mai-pitch kay Piolo Pascual ‘yung concept, may treatment na rin ‘yan. Si Piolo interesado naman siya sa project with Claudine,” say ni WD.
Tatlong pelikula ang gagawin ni Direk Wenn this year. Mauuna ‘yung Aswang ni Pokwang. SiDivina Valencia ang gaganap na nanay ng mga aswang. Ang Vice-Coco movie ay hindi pa napagdedesisyunan ng management kung October or December.
Ayon kay Direk Wenn, dapat daw ay dalawang pelikula ang gagawin ni Vice. Pero mukha raw hindi kakayanin ng schedule nito. ”Dapat nga ang pang-Manila Film Festival ay Vice, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo. Walang kasigaruduhan kung matutuloy nga itong project this year. Puwedeng maging Coco-Vice ang mauna. Sila ang magde-decide kung aling project ang mauuna, Vice-Coco o Vice-Daniel at Kathryn. Ayaw ko munang makialam. ‘Yung movie project kong dalawa na Claudine at Pokwang, akin ’yung concept. ‘Yung Coco at Daniel concept ‘yun ng Star Cinema pati istorya,” pahayag ng comedy director.
Parang mahihirapan si Direk Wenn na gawin ang dalawang pelikula ni Vice dahil na rin sa hectic schedule nito. ”Hindi ako sure kung kaya kong gawin pareho ang Vice-Coco at Vice-Daniel. ‘Yung kay Daniel naman ang problema roon maganda ang concept. Pero hindi kakayanin ng schedule nina Vice at Daniel na matapos agad. Kung magsisimula kami ng September or October hindi matatapos. Parang pang-isang taon ‘yung concept nito. Kung gusto talaga nila ng Daniel at Vice, hindi dapat ‘yun ang istorya. Kasi ‘yung gusto nilang istorya ay parang pang- one year in the making. Matindi sa effects may pagka-fantasy. Parang ‘Batman at Robin’, ‘yung Vice at Daniel, ang hirap kaya niyon,” paliwanag ng box-office director.