Monday , December 23 2024

Dingdong Dantes walang interes sa politika

INAMIN ng actor na si Dingdong Dantes na wala siyang balak o planong tumakbo sa ano mang posisyon sa 2016 election.

Ayon kay Dantes, mas nais niyang bigyang pansin ang kanyang papel at mga programa ng National Youth Commission (NYC) na siya ang pinuno, partikular sa papel ng mga kabataan sa pagtugon sa ano mang uri ng kalamidad sa bansa.

Sinabi ni Dantes, kahit sa panaginip ay hindi niya pinangarap o sumagi man lamang sa kanyang isipan ang pagtakbo sa ano mang puwesto sa halalan.

Aminado si Dantes na mayroon siyang ilang mga politiko na susuportahan sa 2016 election.

Ngunit tumanggi si Dantes na pangalanan kung sino-sino ang politiko na kanyang susuportahan dahil masyado pa aniyang maaga at ayaw niyang mamolitika sa ngayon.

Kaugnay nito, nanawagan si Dantes sa mga mambabatas na agad suportahan ang panukalang batas na nagsusulong ng pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan sa kanilang papel sa pagtugon sa ano mang uri ng kalamidad sa bansa.

Samantala, tiniyak ni Dantes na maayos ang kalagayan at pagbubuntis ng kanyang maybahay na si actress Marian Rivera.

Aminado si Dantes na maging siya ay excited na sa kanilang magiging anak at inaasahan niyang lalabas na isang malusog na bata.  

Niño Aclan, may dagdag na ulat nina Darwin Macallan, Mary Joy Sawa-An at Joshua Moya

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *