Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Akusasyon ng kampo ni VP Binay binalewala  ng Palasyo (Sa AMLC report)

BINALEWALA ng Palasyo ang pahayag ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na gagamitin ng Liberal Party (LP) laban sa kanila ang sinasabing report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa bank accounts ng bise-presidente.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang natatanggap na impormasyon ang Malacañang hinggil sa nasabing isyu kaya walang batayan para gumawa ng ano mang pahayag ang Palasyo kaugnay sa usapin.

“Wala rin po kaming impormasyon hinggil diyan kaya wala rin akong bata-yan para gumawa ng ano mang pahayag hinggil diyan,” sagot ni Coloma hinggil sa pahayag ng kampo ni Binay.

“Ipinalutang” kahapon ni Joey Salgado, media affairs chief ng Office of the Vice President, na may natanggap daw na “reliable information” ang kanilang kampo na hawak na ng matataas na opisyal ng LP ang AMLC report na nagsasaad ng bank accounts ni Binay.

May kapangyarihan ang AMLC na mag-isyu ng freeze order sa alinmang account o property na batay sa kanilang pagsisiyasat ay may kaugnayan sa illegal na aktibidad o money laundering offense.

Nauna nang napaulat na inirekomenda na ng Ombudsman special panel of investigators kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ng kasong kriminal si Binay, anak niyang si Makati City Mayor Jun-jun at 22 iba pa bunsod ng maanomalyang konstruksiyon ng P2.2-B Makati City Parking building.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …