Monday , December 23 2024

3 sugatan, kabahayan nawasak sa baha

TATLONG babae ang nasugatan nang rumagasa ang baha dulot nang malakas na ulan na ikinasira ng kanilang mga bahay sanhi ng ginagawang road construction project kamakalawa ng hapon sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya ng Muntinlupa, ang mga nasugatan ay kinilalang sina Liezl Deguchi, 36; Conchita Santiago, 28; at Jemmalen Cachuela, nasa hustong gulang, pawang nakatira sa Aguila Village, Brgy. Tunasan, Muntinlupa.

Nabatid na sobra ang init ng panahon dakong 2 p.m. at ‘di inaasahan ang biglang pagbuhos nang malakas na ulan na epekto ng bagyong Dodong.

Nagdulot ito nang pagbaha dahil sa tubig na sinasabing galing sa malalim na hinukay para sa gagawing kalsada sa construction site ng MDC Corp., sa South Luzon Epressway (SLEX).

Dahil sa pag-overflow at sa pagragasa ng baha kasama ang natibag na lupa ay nawasak ang ilang kabahayan sa naturang village at nasugatan ang tatlong biktima.

Isinisi ng mga residente ang insidente sa kapabayaan ng namamahala sa konstruksiyon.

Samantala, agad ipinag-utos ni Mayor Jaime Fresnedi na masusing imbestigahan ang insidente upang mabatid kung may kapabayaan ang naturang construction firm.

Manny Alcala

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *