Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-M pamilyang Pinoy nakaranas ng gutom (Pinakamababa sa 10 taon)

BUMABA sa 3 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom nitong unang quarter ng 2015.

Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Marso 20 hanggang 23 sa 1,200 respondents.

Katumbas ito ng 13.5% national hunger rate na mas mababa ng 3.7 percentage points kompara sa 17.2% o 3.8 milyong pamil-ya noong Disyembre 2014, at pinakamababa na sa loob ng 10 taon o mula Mayo 2005.

Sa 13.5% hunger rate, 11.1% o 2.5 milyong pamil-ya ang nakaranas ng mo-derate hunger (minsan o ilang beses) at 2.4% o 522,000 pamilya ang nakaranas ng severe hunger (madalas o palagi). 

Pagbaba ng hunger rate ikinatuwa ng Palasyo

IKINATUWA ng Palasyo ang pagbaba ng bilang ng mga pamilyang nakaramdam ng gutom dahil indikasyon anila ito na nagbubunga na ang mga pagsusumikap ng administrasyong Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang pinakahuling resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasaad na tatlong milyong pamilyang Filipino ang nagsabing nakaranas sila ng kagutuman sa unang tatlong buwan ng 2015, ay pinakamababa sa nakalipas na isang dekada.

Resulta aniya ito ng mga programa ng gobyerno para sa mga maralita, kasama na ang conditional cash transfer (CCT) at ang pagpapalawak ng Philhealth coverage.

“All these contribute to a better quality of life for our people, equipping them to find better opportunities to lift up their families and, ultimately, the nation. The administration’s investment in social services—in the form of budget increases—is truly paying off,” aniya.

“Rest assured that in the remaining months, we will continue our vigorous efforts to empower our ci-tizens to achieve the Filipino dream,” aniya.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …