Monday , December 23 2024

Oxalic acid sa milk tea ‘pumatay’ sa 2 biktima

NATUKOY ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na postibo sa  kemikal  na  oxalic acid ang milk tea na ininom ng tatlong biktima na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawa sa kanila sa Sampaloc, Maynila.

Kung maaalala, namatay ang biktimang si Suzaine Dagohoy nang bumili at uminom ng milktea sa Ergo Cha Milk Tea house makaraan sumuka, gayondin ang may-ari ng tea shop na si William Abrigo nang tikman ang kanyang itinimpla.

Nalason din ang kasintahan ni Dagohoy ngunit naagapan ng mga doktor kaya nakaligtas.

Ang oxalic acid ay inilarawan sa medical websites bilang colorless crystalline solid na nakalalason at ginagamit bilang cleaning agent.

Sinabi ng PNP Crime Laboratory, nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang  pagsusuri  upang mabatid kung bukod sa oxalic ay kung may iba pang chemical na inihalo sa milk tea.

Samantala, sinampahan na ng kasong murder ang itinuturong nagdala ng kahina-hinalang kemikal na si Lloyd Abrigo, anak ng may-ari ng milktea shop, sa Manila prosecutor’s office.

Milk tea poisoning case closed — MPD

ITINUTURING nang case closed ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng dalawa katao sa pag-inom ng milk tea sa Sampaloc nitong Abril.

Sa pulong balitaan sa MPD headquarters, sinabi ni Director Rolando Nana, matibay ang kanilang kaso para papanagutin sa dalawang counts ng murder at frustrated murder ang suspek na si Lloyd Abrigo.

Matatandaan, agad namatay ang kustomer na si Suzaine Dagohoy, at may-ari na milk tea shop na si William Abrigo, ama ng suspek, na nagtimpla ng milk tea. 

Ang batang Abrigo ang itinuturong nagdala ng liquid substance na sinasabing posibleng naihalo sa milk tea. 

Sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory, nakitaan ang sample ng milk tea ng nakalalasong oxalic acid na madalas ginagamit bilang cleaning agent. 

Kabilang sa mga basehan ng kaso kay Abrigo ang testimonya ng apat na testigo, ang closed-circuit television (CCTV) footage na nakita ang naka-guwantes na suspek na may bitbit na paper bag at dumiretso sa kusina ng tea house, at ikatlo ang resulta ng eksaminasyon ng PNP Crime Laboratory. 

Aminado si Nana na hindi nila direktang matiyak ang tunay na motibo ng batang Abrigo ngunit nakatitiyak silang lulutang ito sa pag-usad ng kaso sa korte.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *