Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mabuhay ka BOC Comm. Bert Lina!

00 parehas jimmyDAPAT talaga ibalik o gamitin na ni Comm. Lina ang mga customs collectors na nasa CPRO, sayang naman ang mga expertise nila na tiyak na makatutulong sa revenue collection ng bureau.

Ang dapat na itapon sa CPRO ay ‘yung mga greedy sa kapangyarihan na nakasisira sa imahe ng BOC.

Dapat din talaga na ilagay ‘yung may mga kaso pa sa Ombudsman na naglalagay upang ‘di matanggal sa kanilang puwesto gaya ng ilang tao sa Section 4 ng POM at ang ilang abogado at abogada na naka-assign kay DepCom Tan dahil sa report na kanilang binibilog ang kanyang ulo.

Ganoon din ang mga tulisan na lawyers sa accreditation. Sila ang dapat na ilagay at magdusa sa CPRO.

Comm. Bert Lina, it’s about time na sila naman ang itapon sa CPRO nang matapos na ang paghahari-harian nila na nakasisira sa imahe ng Aduana. Akala mo kung umasta sila ay pag-aari na nila ang Customs.

Comm. Lina, ipa-monitor mo rin ang ilang tirador sa POM at MICP lalo na sa informal entry na nakikipagsabwatan sa smuggling thru door to door.

Imbestigahan rin ang isang Mr. Longares kung totong malinis daw ang kompanya niya?

‘Yun isang ‘tibo’ sa POM assessment na napakatakaw sa overtime.

I-monitor din ang auction division na balitang kontrolado naman ng isang Aling Nene Biag. Sa MICP auction ay marami raw gimik na nangyayari riyan Mr. Commissioner.

Isang alias Mr. ONG na utol ng isang nag-resign na empleyado ay namamayagpag rin sa smuggling.

Pati na ang ilang masisibang abogado sa law division.

Meron pa riyan baboy sa MICP na tahimik pero malaki ang kinita sa Cebu.

Meron pang isang retired customs police na patuloy na kumokolekta para sa isang opisyal n’ya at diyan daw naglulungga sa likod ng ESS-HQ.

Comm. Bert Lina, kasangga mo ang PAREHAS sa tunay na reporma na ipapatupad mo sa BOC! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …