Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi, sobrang kinilig sa 5 araw na bakasyon sa Palawan (Rocco, nag-propose na raw)

ni Roldan Castro

051215 rocco lovi

LIMANG araw na nagbakasyon sa Palawan sina Lovi Poe at Rocco Nacino bilang anniversary celebration nila. At talaga namang gandang-ganda sa Palawan si Lovi, ”Super beautiful. Napakaganda talaga ng beaches natin dito.”

Sa pag-e-explore naman ng couple sa El Nido, sinabi ng Kapuso actress na may na-discover siya sa kanyang boyfriend.

“Very maalaga, siya ‘yung nag-aasikaso ng mga bagay-bagay. Nakatutuwa kasi magaling siyang mag-surprise. I mean, we were already there and ‘yun pala may inihanda pa siyang surprise. Dinner ganyan, maraming surprises. This ain’t just the sunset, dinner after the cruise,” nakangiting kuwento ng Kapuso actress.

Kitang-kita ang magkahalong kilig at saya sa mukha ni Lovi.

Aniya, hindi siya usually nagse-celebrate ng anniversaries pero this is definitely something to remember for her.

Rocco, nag-propose na raw kay Lovi

PINABULAANAN ni Rocco Nacino na nag-propose siya kay Lovi sa Palawan.

Pabirong sinabi ni Rocco na nag-propose siya pero hindi patungkol sa pagpapakasal kundi ang ulitin nila ang ganitong klase ng adventure.

”It’s really nice kasi ‘yung ganitong klaseng trip you have the time to reflect, appreciate nature… mas na-appreciate namin ‘yung ganda ng mundo at saka buhay,” anang Starstruckalumnus.

“Isa ‘yon sa objectives namin, to reflect and recharge ourselves not just physically but spiritually. Kasi alam namin we have a lot of work after. Gusto namin maging ready, so ayon, masasabi namin na motivated kami sa upcoming projects namin. Lovi’s really excited to start,”dagdag pa niya.

Masaya naman si Rocco at successful ang pagpapasaya niya sa kanyang girlfriend, ”Well ako, sabi ko naman sa kanya, I want you to be there and be happy. Maging masaya ka lang, that’s good enough for me.”

Bukod pa rito, na-discover din ni Rocco kung gaano ka-appreciative si Lovi. ”Na-discover ko how appreciative she can be and how much she loves life. Noong nandon kami, parang she was just talking about ‘yung blessings in life. We bonded a lot talking about our lives, each other,”pagtatapos ng Kapuso actor.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …