ni Alex Brosas
NAAPEKTUHAN sa isang threat mula sa isang One Direction fan ang TV5 news anchor, radio and TV host na si Lourd de Veyra.
“Ang threat lang na nagkaroon ako ay galing sa fan ng One Direction. Sabi ko, ‘1D, One Damo’ kasi ‘di ba nahuli sila sa van? Galit na galit sa akin (ang fan). May isang nag-threat sa akin. Sabi niya, ‘alam ko kung saan ka naninigarilyo sa labas ng TV5 sa umaga. Bubuhusan ko ng asido ang mukha mo,’ gano’n (ang threat niya),” Lourd shared during a pocket presscon for him the by Kapatid Network.
The threat was so serious that, “kailangan kong mag-log off sa social media ng isang linggo”.
“Lahat na ng masasakit na salita na puwede kong ma-imagine sa sarili ko (ay sinabi na sa akin),” say ni Lourd.
“Nakatutuwa kasi parang bubuhusan ka namin ng asido sa mukha tapos titingnan mo ang profile pic. Dyusko, puwede ko nang maging anak ito, ah,” dagdag pa ng 13thGawad TanglawBest Male Newscast awardee.
Kahit na affected by the threat, Lourd believes that, ”mas matatakot ako kung ako ay radio anchor sa isang maliit na probinsiya. Kung ganoon, mas delikado. ‘Yun tutuluyan ka talaga roon, eh. Dito, hindi, wala.”