Monday , December 23 2024

K-12 program idedepensa ng Palasyo sa SC

IDEDEPENSA ng Palasyo sa Korte Suprema ang K to 12 program ng Department of Education (DepEd).

Sinabi Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, pinahalagahan sa pagbalangkas ng programa ang kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro.

Ayon kay Deputy Presidential Spokespersom Abigail Valte, tungo sa tamang direksyon para sa de-kalidad na edukasyon ang K to 12 program.

Sa ilalim ng K to 12 program, madaragdagan ng dalawang taon ang 4-year secondary level education para magkaroon ng kabuuang anim na taon sa high school.

Nasa Korte Suprema na ang mga petisyong inihain kontra K to 12 program, kabilang na ang mula sa “Suspend K-12 Coalition,” “K to 12 Alliance,” grupo nina National Artist for Literature Bienvenido Lumbera kasama ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), Kabataan at Anakpawis partylist, at kay Sen. Sonny Trillanes.

Pangulo ‘di nilinlang sa K-12 Program — Deped

NILINAW ng Department of Education (DepEd ) na hindi nila nililinlang o binibigyan ng maling impormasyon si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa kahandaan ng gobyerno sa K to 12 program.

Sa kalatas na ipinalabas ng DepEd , walang katotohan ang akusasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na nagbibigay sila ng maling impormasyon sa pangulo para tuluyan nang maipatupad ang nasabing programa.

On-track anila ang K to 12 implementation gaya ng pagtatayo ng karagdagang classroom at pagkuha ng mga karagdagang guro na magtuturo.

Tiniyak din ng DepEd na matatag sila sa pagpapatupad ng K to 12 at lahat ng mga galaw ay transparent at accountable.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *