Friday , December 27 2024

BI ‘blacklist order’ wala nang pangil?

00 firing line robert roqueMAY pangil pa kaya ang “blacklist order” ng Bureau of Immigration (BI) laban sa mga dayuhang nakagawa ng kapalpakan sa ating bansa?

Naging mainit ang paksa dahil kay Wok Iek Man, isang residente ng Macau Administrative Region ng China, na pinigil ng mga ahente ng Bureau of Customs nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport galing Hong Kong noong isang linggo, sa hinalang siya ay drug trafficker.

Isang kahon na naglalaman ng tatlong kilong pulbos at kristal ang nakuha sa kanya, pero nang ipasuri sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay lumabas na negatibo sa ipinagbabawal na droga.

Nahalungkat ng mga opisyal ng Customs na ang pangalan ni Wok ay inilagay sa blacklist order ng BI noong Enero 24, 2015. Bagaman hindi batid ang dahilan nito ay maliwanag na sino mang dayuhang nasa blacklist order ay pinagbabawalang pumasok sa bansa.

Ang ikinagulat ng mga awtoridad ay ipinagyabang ni Wok na “lifted” na ang naturang blacklist order sa kanya simula pa noong Abril. Sa kanyang pasaporte ay makikitang ilang ulit na rin siyang nagpabalik-balik sa ating bansa.

Dati-rati ay inaabot ng isang taon bago makapag-apply ang dayuhan para maalis siya sa blacklist order. Tama ba na dalawang buwan pa lang ang nakalilipas ay hindi na blacklisted si Wok? Ano ang nangyari rito?

May “special offer” bang handog ang BI para sa mga blacklisted upang mabilis silang makabalik at muling makapaglabas masok sa ating bansa?

Kung mayroon man ay tiyak na papatok ito sa lahat ng dayuhang inilagay sa blacklist ng BI.

Ayon sa ating source ay maaaring mapabilis ang pagtanggal sa pangalan ng mga blacklisted sa mga rasong “humanitarian, economic and political.”

Isa ba sa mga nabanggit ang dahilan kaya hindi na blacklisted si Wok? Magkano naman kaya ang isinuka niyang pera para mabura ang kanyang pangalan sa blacklist order?

Ibig din malaman ng karamihan kung ang lahat ito ay legal o nagkaroon na naman ng ‘lihim’ na usapan? Nangangamba sila na baka may nakinabang nang husto rito para busugin ang sarili at punuin ang bulsa na gamit ang kapangyarihan ng gobyerno.

Ang blacklist order ay paraan ng gobyerno upang mahadlangan at matuldukan ng ating mga opisyal ang ginagawang kalokohan ng mga dayuhan sa ating bansa, lalo na ang mga gumagawa ng ilegal.

Pero ano pa ang magiging silbi nito at pangil na maipagmamalaki kung pera-pera lang pala ang usapan at may katapat na presyo ang pag-aalis nito? Ano po’ng masasabi ninyo dito DoJ Secretary Leila de Lima?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *