Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak akusado sa kasong murder isinuko ng amang vice mayor (Sa Ilocos Norte)

LAOAG CITY – Mismong si Ding-ras, Ilocos Norte, Vice Mayor Joeffrey Saguid ang nagsuko sa kanyang anak na si Barangay Chairman Melcon Saguid na nahaharap sa kasong murder.

Ayon sa bise alkalde, ito’y makaraan nagpakita sa kanya ang anak para dumalo sa kanyang birthday celebration kahapon.

Aniya, kinausap niyang maigi ang kanyang anak na kaila-ngang harapin ang kaso upang patunayan na siya ay inosente.

Inihayag ni Saguid na bagama’t masakit sa kanya bilang ama ang kanyang ginawa ay kinailangan niyang tuparin ang pangako sa mga mamamayan.

Kung maaalala, nagtago ang nakababatang Saguid na kapitan ng Brgy. Guerrero, Dingras, Ilocos Norte, at ang ibang mga akusado sa nasabing kaso bago pa man ipinalabas ang warrant of arrest para sa kanila.

May kaugnayan ito sa pagkamatay ng nagngangalang Glen Guerrero sa nabanggit na lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …