Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, excited na sa pagsasama nila ni Jen

051115 sam milby jennylyn mercado

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Sam Milby ay ang ganda ng mga ngiti niya nang inguso namin si Jennylyn Mercado at sabay tingin sa aktres.

Pero mukhang ayaw pag-usapan ni Sam ang tungkol sa kanila ni Jennylyn, sabi lang niya, ”I’m excited to do a movie with her (Jennylyn).

Noong Mayo 6 daw dumating si Sam galing ng Amerika at kinailangan niyang dumating ng Pilipinas dahil sa project niya sa Regal Films at gagawa raw siya ng teleserye na hindi naman binanggit pa.

Kinumusta namin ang nangyari sa kanya sa California, USA na roon siya nag-workshop at nag-audition, base na rin sa sinabi niya sa interview niya kamakailan nang dumalo siya sa red carpet ng Asian Film Festival.

“Hmm, okay naman,” tipid na sa sabi ni Sam.

Kinukulit namin kung ano ang nangyari sa audition at panay lang ang ngiti ni Sam at sinabihan na kami ng handler ng aktor na si Ms Lulu na, ”at saka na natin pag-usapan ‘yan Reggee.”

Hmm, base sa mga ngiti ni Sam ay mukhang positibo ang nangyaring auditions dahil kung hindi ay magme-make face siya sa amin, yes ateng Maricris, ganoon namin kakilala ang aktor.

Marami pa kaming gustong itanong, pero nagmamadali na silang umalis kasama ang manager niyang si Erickson at handler na si Lulu dahil may meeting pa yata ulit sila.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …