Thursday , December 26 2024

Sa iyo na lang ang tuwid na daan mo

USAPING BAYAN LogoWALA talagang etiketa ang espesyal na administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino. Akalain ba naman na italaga bilang Commission on Elections commissioner ang isang pamangkin ng isang alyas Mohager Iqbal ng Moro Islamic Liberation Front, ang grupo na sinasabing nasa likod ng masaker sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.

Ang tindi talaga ni Pangulong Aquino pagdating sa kawalan ng pakiramdam sa damdamin ng bayan. Kaya pala talagang hindi kataka-takang inisnab niya noon ang pagdating ng mga bangkay ng mga minasaker na SAF sa Villamor Airbase at inuna niyang harapin ang mga executive ng isang kompanya na gumagawa ng kotse.

Hindi pa naghihilom ang sugat ng bayan dahil sa Mamasapano masaker ngunit ‘eto na naman ang espesyal na si Aquino at gumagawa ng kontrobersyal at malinaw na hindi pinag-isipang kilos.

Hindi pa napapanagot ang MILF kaugnay sa papel nito sa pangyayari sa Mamasapano at ilang mga insidente ng pambobomba at pagpatay sa Mindanao pero na-rehabilitate na ng walang kuwenta pero espesyal na administrasyong Aquino. Talagang binibigyang daan ng kasalukuyang administrasyon ang mga makasariling interes ng MILF sa kagustuhang mabigyan ito lehitimisasyon at tanggapin ng bayan ang isinusukang Bangsamoro Basic Law.

Bukod sa kawalan pa rin ng katarungan kaugnay ng masaker sa Mamasapano, may partido politikal na binuo ang MILF para “makalahok sila sa halalan” kaya ang pagtatalaga sa pamangkin ni alyas Iqbal bilang Comelec commissioner ay talagang kuwestiyonable. Ito ay hindi tama dahil malinaw na “conflict of interest.”

Kung ito ang tuwid na daan na sinasabi mo Mister Aquino, sa iyo na lang ang daan na iyan at ikaw na lang ang dumaan diyan.

* * *

Talagang kawawa ang mahihirap sa panahong ito. Ngayon hindi lamang Light at Metro Rail Transit ang may problema kundi pati na rin ‘yung Philippine National Railway na bumibiyahe mula Maynila hanggang Cabuyao, Laguna.

Dangan kasi walang pakialam ang espesyal na administrasyong Aquino kung ano man ang mangyari sa LRT, MRT at PNR dahil ang ibig nito ay isapribado ang perokaril. Ito kasi ang hinihingi ng kanilang neo-liberal na paniniwala.

Ang neo-liberalismo rin ng administrasyong ito ang dahilan kung bakit ang ating ekonomiya ay pinagpapasasaan lamang ng iilang mayayamang pamilya at walang ginhawang nalalasap ang mga maliliit na tulad natin sa kabila ng ating araw-araw na pagsisikap.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *