ni Rommel Placente
NATUTUWA si Piolo Pascual na nagkaayos na ang ex niyang si KC Concepcion at ang anak niyang si Inigo Pascual. Nagkita ang dalawa sa debut ni Julia noong March at dito ay unang lumapit si Inigo kay KC para makipag-usap.
Matatandaang noong karelasyon pa ni Piolo at KC ay nagpahayag si Iñigo na hangga’t maaari ay ayaw niya munang magkaroon ng GF ang ama para mapagtuunan daw siya ng pansin nito.
“You know naman my son is very polite and okay na naman kami ni Kristina. Sino ba naman ang ayaw na maayos ang problema?”ang natutuwang sabi ni Piolo.
Bago pa nagkaayos sina Inigo at KC ay una munang nagkaayos sina KC at Piolo. All’s well that ends well na rin sa dalawa. Dahil nga okey na rin sina KC at Piolo kaya wala na ring tampo sa kanya ang ina ni KC na Sharon Cuneta.
Sa isang interview nga niya sinabi na excited na siyang makita ulit si Piolo lalo ngayong balik-ABS-CBN na siya.