Friday , November 15 2024

Parents, teachers solid vs K-12

FRONTMATAGUMPAY na inilunsad ng mga guro, magulang, at estudyante ang kanilang kilos protesta sa Liwasang Bonifacio nitong Sabado upang tutulan ang K-12 Program ng pamahalaan.

Ang pagkilos na tinawag na Suspend K-12 Family Day at inorganisa ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV at ng Suspend K to 12 Coalition, ay dinaluhan ng pamilya ng mga guro at empleyado ng iba’t ibang paaralan sa bansa, estudyante, at iba pang direkta at didirektang maaapektohan ng nasabing programa.

Sa mensaheng ibinigay ni Trillanes, inulit niya ang  kanyang panawagan upang suspindihin ang implementasyon ng kontrobersiyal na programa.

“Tayo po ay nananawagan kay Pangulong Aquino at sa ating mga mahistrado sa Korte Suprema na pakinggan ang daing ng taong bayan na ipatigil muna ang pagpapatupad ng K-12 Program dahil sa delubyong idududlot nito.

“Tayo ay nag-ikot sa buong bansa upang tingnan ang kahandaan ng ating mga paaralan. Ngunit ni isa ay wala akong nakitang handa para sa K-12 na ito. Patuloy na magsisiksikan ang mga estudyante; patuloy na tataas ang drop-out rate; ang mga propesor at empleyado sa kolehiyo ay mawawalan ng trabaho,” panawagan ni Trillanes.

Dumalo rin para makiisa sa panawagan at magbigay ng mensahe ng suporta sina Samahang Magdalo President Don Santiago; ACT Partylist Representative Antonio Tinio; at mga kinatawan mula sa hanay ng mga guro at empleyado ng mga pribado at pampublikong paaralan, magulang, estudyante, at unyon-manggagawa.

Sinundan din ang programa ng isang candle lighting ceremony bilang simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng dumalo laban sa programa.

Habang papalapit ang tuluyang pagpapatupad ng K-12 Program, tumataas ang bilang ng mga nananawagang grupo na ipatigil ito. Noong Miyerkoles, dumulog na sa Korte Suprema sina Trillanes at mga kinatawan ng Magdalo Party-list upang hilingin ang paglalabas ng TRO o preliminary injunction na magpapahinto sa programa.

“Tayo ay umaasa na lalaki pa ang bilang ng ating mga kababayan na makikiisa sa aming panawagang suspendihin ang programa. Gusto nating umusad at itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa ngunit ‘di natin ito magagawa sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa high school, kung pagbabasehan natin ang tunay na kalagayan ng ating mga paaralan at mga kababayan.  Nawa ay makita ito ng ating Pangulo at ng Korte Suprema,”dagdag ni Trillanes.

K-12 isasangguni ni Trillanes kay PNoy

MISMONG kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na didiretso si Sen. Sonny Trillanes para ipaalam ang mga isyung nakita niya sa K to 12 program.

“Pupuntahan po natin siya. Bilang kaalyado, makakadiretso naman tayo sa ating Pangulo,” banggit ni Trillanes.

Aniya, “hihikayatin ko siya na magtalaga ng ilang tao na mag-iimbestiga nga kung prepared talaga ‘yung DepEd (Department of Education) o hindi.”

Naniniwala ang senador na binibigyan nang maling impormasyon ang Pangulo ng mga opisyal ng DepEd hinggil sa programa.

“Binobola siya ng no’ng mga education official niya kaya tiwala siya. E ako naman, hindi naman ako mapapagod na kakausap sa kanya na magiging magulo ito next year.”

Umaasa pa rin si Trillanes na papaboran ng Korte Suprema ang hirit niyang temporary restraining order (TRO) para hindi muna ipatupad ang programa.

Samantala, nakatutok aniya sa programa ang Senado sa pangunguna ni Sen. Pia Cayetano, para tuloy-tuloy na masigurong maayos ito.

Hirit niya, magkaroon ng sariling ocular inspection ang Senado para masigurong totoo ang ulat ng DepEd na handa na ang bansa sa K to 12.

Muling iginiit ng senador na masama ang epekto ng K to 12 lalo na’t nasa 80,000 teaching at non-teaching staff ang mawawalan ng trabaho at maraming magulang ang hindi na makapagpapaaral ng kanilang mga anak dahil sa dagdag-bayarin sa matrikula.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *