Friday , November 15 2024

“No ID, No Entry” blue guards ni Lina sa BOC

00 Kalampag percyGARAPALAN na yata talaga ang pagpapayaman sa gobyerno ng mga tiwaling opisyal sa kanilang puwesto para yumabong ang kanilang negosyo.

Hindi pa man nag-iinit ang wetpaks ni Commissioner Bert Lina sa puwesto, umusok na agad ang pagkakalagay ng security agency at pagpapalit ng janitorial services sa Bureau of Customs.

Gaano kaya katotoo na ang bagong mga unipormadong sekyu o blue guards ng Marasigan Investigation and Security Agency ay pagmamay-ari raw ng kaanak ni Lina?

Maliban sa slogan na “NO ID, NO ENTRY,” ano ba ang kakaibang training at kakayahan mayroon ang blue guards para makisawsaw sa trabaho ng Customs Police?

Balita pa, pati ang mga bagong janitor sa Customs ay nanggaling din sa janitorial services ng kadugo ni Lina.

Siguradong alam ni Lina na “conflict of interest” ‘yan, ayon sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Labag din sa batas ang pagpasok ng isang government agency na tulad ng Customs sa anomang kontrata o kasunduan na hindi dumaan sa bidding o subasta, batay sa Republic Act 9184 Government Procurement Reform Act.

Sadya ba na binabalewala ni Lina ang mga batas o kinokopya lamang niya si VP Jejomar Binay na nagpasok ng kanyang Omni Security Agency sa Pag-ibig Fund na hindi rin dumaan sa bidding?

Commissioner Haydee Mendoza, pakibusisi nga po ang kalokohang ito!

Walang sentido-kumon nagkalat sa gobyerno

NAKAISIP na naman ng bagong iskema ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung paano peperhuwisyohin ang publiko para magkakuwarta.

Ang masama pa rito, ang target ni LTFRB chairman Winston Ginez na pilayan ay mga estudyante dahil gusto niyang i-phase out ang mga school shuttle services na lagpas 15-anyos na.

Umaabot sa 30,000 ang school bus operators sa buong bansa at isang porsiyento pa lamang ang nakabibili ng bagong sasakyan kaya siguradong malaki ang epekto sa mga mag-aaral ng bagong pakulo ni Ginez.

Pagmumultahin ng P200,000 ang sino mang mahuhuling lumabag sa bagong pakana ni Ginez kaya pakiusap sa kanya ng iba’t ibang transport groups,  ipagpaliban nang isang taon pa ang implementasyon nito.

Malinaw pa sa sikat ng araw na magiging gatasan ng mga tiwali sa LTFRB ang school bus operators gaya ng ginagawa nila sa bus operators na hinigpitan din nila.

Pinag-aaralan na rin daw ni Ginez na ibalik sa P40 ang flag down rate ng taxi, na ilang buwan nang pasan-krus ng mga driver.

Kawawa talaga ang Filipinas dahil napadpad sa gobyerno ang mga walang pakialam sa kapakanan ng publiko.

Sa tumbong kaya ni Ginez nakatago ang kanyang sentido-kumon?

Mison, pumapatol sa “bata”?

ISANG call center agent na Thai national sa bansa ang nasibak sa trabaho at nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa Detention Center dahil sa panlalait sa mga Pinoy sa social media.

Kung hindi tayo nagkakamali, mahigit beinte anyos lang si Prasertsri Kosin na sumasailalim ngayon sa deportation proceedings ng Bureau of Immigration bunsod nang pagtawag sa ating lahi ng “pignoys,” “stupid creatures,” “low-class slum slaves” at”useless race in this world” sa kanyang Facebook account.

Nang umani ng batikos ang kanyang pambabastos ay sumuko si Korsin sa Immigration at nag-public apology.

Pero para siyang sagad-sagaring kriminal na pinosasan makaraang mag-surrender, kinunan ng retrato at ipinalathala sa media.

Hindi nag-aksaya ng oras si Commissioner Siegfried Mison para ‘sakyan’ at samantalahin ang isyu kaya marami ang nairita at mismong mga Pinoy na nakabase sa Thailand ang nanawagan sa kanya na palayain si Korsin.

Sa isang open letter kay Mison , umapela sila na ibasura ang mga kaso laban kay Korsin at palayain agad siya dahil paglabag sa kanyang karapatan sa pamamahayag ang patuloy na pagpiit sa Thai national.

“In this case, we believe that the charges brought against Mr. Kosin, his subsequent arrest and handling before the media are disproportionate responses to the statements he made and did not have any basis in law.  The response of the Bureau of Immigration has jeopardized the right to freedom of expression itself. Mr. Kosin has already issued a public apology. Let’s accept the apology and move on,” anila.

Kulang na lang ay sabihin ng mga Pinoy sa Thailand na parang isang pilyong bata lang si Korsin at hindi dapat patulan ni Mison.

Payo natin kay Mison, ‘wag pumatol sa mga “bata.”

Tama ba, Ms. Valerie Concepcion? 

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *