Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Liza at Enrique sa Star Cinema, inaayos na

 ni Eddie Littlefield

051115 liza soberano enrique gil

NAGING mabilis ang pagsikat ni Liza Soberano dahil sa teleseryeng Forevermore with Enrique Gil na talaga namang sinubaybayan ng madlang pipol. Totoong naglevel-up ang showbiz career ng youngstar at hunk actor. May chemistry kasi ang dalawa at may kilig factor kaya’t kinababaliwan ng fans. Nakare-relate ang manonood sa character na kanilang ginagampanan.

Palibhasa sikat na nga si Liza kaya hindi maiwasang intrigahin ito. Nababahala ngayon ang kampo ni Julia Barretto sa mabilis na pag-angat ng career ng dalaga. Pinagko-compare sila ng masang Pinoy kung sino ang mas maganda, mabait, at marunong umarte. Maging si Gretchen Barretto ay gandang-ganda kay Liza. Kakaiba raw ang beauty ng young actress compared sa ibang youngstar, simple and elegant.

Nagpakatotoo lang si Gretchen nang sabihinng gusto niya ang beauty ni Liza. Habang tinititigan lalo itong gumaganda. Hindi nakasasawang tignan lalo na kapag walang make-up. Napaka-down-to earth, kung ano si Liza behind the camera, ganoon rin siya in real life. Walang arte sa katawan at marunong umarte. Bilib nga si Direk Cathy Garcia-Molina kay Liza dahil nakakaarte ito. Hindi siya nahihirapan idirehe ang youngstar dahil madali nitong nakukuha ang gustong mangyari ni Direk Cathy sa bawat eksena.

Malaking factor si Direk Cathy sa pagsikat ni Liza. May magic touch ang box-office director sa mga baguhang artistang hinahawakan. Alam niya ang kiliti ng manonood kaya tinatangkilik ang kanyang TV show at mga pelikula. Nang idirehe niya ang romantic comedy na Got To Be Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nag-number 1 sa rating. Tulad din ng Forevermore nina Liza at Enrique na hataw din a ng ratings.

Marami ang nalungkot sa nalalapit na pagtatapos ng serye. Sa soap na ito nagkaroon ng solid fans club sina Liza at Enrique. Pinatunayan ng box-office director na totoong may magic ang tandem ng dalawa.

Ang balita naming, inaayos na ng Star Cinema ang launching movie ni Liza with Enrique. Naghahanap lang ng magandang material si Madam Malou Santos at DirekOlivia Lamasan na babagay sa dalawa. Sana naman si Molina pa rin ang magdirehge ng pelikula ng mga ito para sure winner sa takilya.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …