Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meet The Mormons movie, isang pagtanaw sa buhay ng mga Mormons

ni Rommel Placente

051115 Meet the Mormons

SINASALAMIN ng Meet the Mormons ang samo’t saring buhay ng anim na debotong miyembro ng Church of Latter-day Saints.

Ang Meet the Mormons ay isang bago at madamdaming dokumentaryo na malapitang pinag-aaralan ang mga buhay ng anim na kasapi ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (Church of Latter-day Saints) mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Isang mapagkawanggawa, isang coach ng football, ang tinaguriang Candy Bomber, isang kickboxer, isang bishop, at isang ina ang pumayag isapelikula ang mga personal na buhay para ipakita na maging relihiyon man o kulay ay hindi dapat maging balakid sa tunay na kaligayahan.

Ang mga indibidwal na ito ay sisikaping sagutin ang mga napakahirap na katanungan sa mga interbyu, upang tunay na maunawan ng lahat ang mundo ng mga Mormons.

Kinunan sa iba’t ibang lokasyon sa buong mundo, ang Meet the Mormons ay dadalhin ang mga manonood sa pang-araw-araw na buhay at mga totoong pangyayari sa mga kasapi ng iglesyang Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (Church of Latter day Saints) sa U.S., Costa Rica, Nepal at iba pang mga bansa. Masasaksihan ang kanilang mga matitinding karanasan at pagsusumikap. Ang bawat istorya ay mayaman at kakaiba kung kayat anumang maling paglalarawan sa kanilang pananampalataya ay naisasantabi ng pelikulang ito.

Samantala ang extreme sports enthusiast na si Carolina Muñoz Marin ay unti-unting narating ang rurok ng women’s amateur kickboxing sa Costa Rica sa pag-antabay na rin ng kanyang butihing asawa. Ang ganitong gawain ay isang paghamon sa traditional stereotypes ng isang babaeng Mormon. Si Jermaine Sullivan naman ay full-time na nagtatrabaho bilang academic counselor sa 200 students upang buhayin ang asawa at tatlong anak. Si Dawn Armstrong naman, na isang struggling single mother, ay nakaranas na bumagsak at mawalan ng pag-asa sa buhay.

Nakilala ng marami bilang ”The Candy Bomber” noong 1940’s Berlin Airlift, si Col. Gail Halvorsen (ret.) na nanguna sa isang kilusan nang simulan niyang mag-airdrop ng mga candy na nakatali sa mumunting parachutes mula sa kanyang eroplano sa mga bata.

Ang Meet The Mormons, isang Solar Pictures release, ay ipalalabas sa May 22 hanggang 23 sa mga piling sinehan sa bansa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …