Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu at Xian Lim friends at wala pa rin committment sa isa’t isa

ni Peter Ledesma

022715 kim chiu xian lim

FEELING heaven, ngayon ang chinita princess na si Kim Chiu dahil selling like hot cake ang comeback album na kare-release pa lang sa record bars nationwide ng Star Music.

Ayon kay Kim, sa success ng kanyang new album ay nais niyang pasalamatan ang kanyang fans na maramihan raw kung bumili ng kanyang album. Natupad raw ‘yung birthday wish ng young actress, na umasam siya na bumenta ang kaniyang CD album. Ayun at sinuportahan nga ng masusugid na mga tagahanga here and abroad.

Pagdating naman sa lovelife ni Kim, hanggang ngayon ay wala pa rin daw development sa kanila nila ni Xian Lim na magiging partner niya uli sa bagong teleserye sa Star Creatives. Gandang-ganda si Kim, sa script ng serye nila ni Xian at never pa raw niya itong nagawa kaya inspired siya na simulan agad ito.

And yes! Si Xian ang very close na guy sa Kapamilya actress pero hindi pa rin niya sinasagot ang actor kaya’t wala raw talaga silang committment sa isa’t isa.

Siya na ang nagsabi gyud!

Sa muli nilang pag-uugnayan, mabuksan na rin kaya ang tulay patungo sa katotohanan?

042415 Maja Salvador Jericho Rosales Paulo Avelino

TENSYON KINA CARLOS AT GAEL DAHIL KAY MIA, IINIT NA SA “BRIDGES OF LOVE”

Magsisimula na ang banggaan ng mga puso sa pagkakalantad ng dating ugnayan nina Mia at Gael kay Carlos sa mas tumitinding kuwento gabi-gabi ng “Bridges of Love.”

Malalamatan ang tingin ni Carlos kay Gael matapos malamang siya ang lalaking minsang nanakit sa babaeng kanyang minamahal. Mapagtatanto rin ni Carlos na inilihim sa kanya ang katotohanan at pinagmukha siyang tanga sa kabila ng kabutihang ipinakita niya rito.

Sa pag-alab ng tensiyon sa pagitan ng nawalay na magkapatid, mapapanatili kaya nila ang kanilang propesyonal na pagsasama? Manaig kaya ang pag-ibig ni Mia kay Carlos o manunumbalik ba ang kanyang nararamdaman para kay Gael?

Sa muling pagkakatulay ni Mia sa magkapatid, mabigyang-daan na rin kaya ang pagkakalantad ng katotohanan sa tunay na ugnayan ng dalawa? Habang nagkakagulo ang kanilang mga puso, sasamantalahin naman ito ni Alexa para maisakatuparan ang kanyang paghihiganti. Titindi rin ang panggigipit ni Lorenzo kay Gael.

Huwag palalampasin ang walang katulad na kwento ng pag-ibig handog gabi-gabi ng “Bridges of Love,” pagkatapos ng “Forevermore” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa exclusive updates, mag-log on to Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreatives_TV.Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bridges of Love” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …