ni Alex Brosas
PURO bash ang inabot ni James Reid sa isang fan.
Nagkaroon yata ng mall tour si James at siyempre pa’y maraming nagkagulong fans sa kanya.
Sa lumabas na aria ng isang female fan sa isang popular blog, sinabi nitong super ingrate si James at isnabero pa. Hindi raw kasi ito marunong magpasalamat sa mga security officer na nag-asikaso sa kanya during the event. Ang mas nakakaloka pa raw, nagkandapaos na raw ang fans niya sa katitili ay parang balewala lang lahat ‘yon kay James. Ni hindi raw nito nilingon ang mga supporter niya na walang habas na nagtititili nang makita siya.
Since maraming fans si James, bash din ang inabot ng female fan.
“Hahahahhaa funny kahit saang mallshow yan te kahit ibang artist, sa dinami raming sumisigaw, hindi lahat kinakawayan ng mga artista. Te, wag masyado pa importansya. Ano ba gusto, isa isahin kayong lahat?” say ng isang maka-James.
“I don’t think that’s a true fan. Fake fan yan. i watched their videos and they always try their best to make kaway when they perform and to turn and look when someone shouts. Arteng fan naman yan,” paniwala naman ng isa pa.
“6pm nasa venue na sila 2AM na sila pinagperform. Not good ang accommodation and wala pang food. Very professional ang dalawa kaya ikaw kuya na mka rant wagas ang dami nyung faney dun alangan ikaw unahin ni James at paghahalikan para mag thank you! Wag nega!” comment naman ng isa pa.
Naku, true ba ito? Na ginutom sina James sa event na ‘yun? Kung true, aba, magpasalamat pa nga ang fans dahil hindi nag-walkout si James, ‘no!
Sa fans, ‘wag kayong masyadong magdamdam kung hindi kayo nababati ng idol n’yo. Hindi kayo dapat masaktan dahil unang-una nakakahilo ang masyadong maraming tao para batiin. Pangalawa, hindi naman likas na masamang tao ang idol n’yo, tao rin siya na mayroong pagkakamali, mayroong shortcomings. ‘Wag kasi silang ituring na parang isang robot na kailangang kumaway sa isang pindot lang ng button.