Monday , December 23 2024

Illegal recruiter wanted

HINAHANTING ng mga pulis ang isang 57-anyos suspek sa illegal recruitment na ilang araw pa lamang nakalalaya makaraan magpiyansa, dahil sa paglutang ng panibagong biktima na natangayan niya ng P70,000 halaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ng suspek na si Mauro San Buenaventura, 57,  manager ng MCSB Manpower and Shipping Services, sa MBR building Room 709, 7th floor, Plaza Sta. Cruz, at residente ng Ramineo Subdivision, Valenzuela City, tubong, Gumaca, Quezon,

Sa reklamong inihain kahapon kay PO1 Patrick Vidad ng isang Simplicio Lobo, 24, residente ng Tonsuya, Letre, Malabon City , noong Setyembre 16, 2013 pa nang kombinsihin ng suspek na makapagtatrabaho sa Middle East kung magbibigay ng halagang P70,000 para maiproseso ang kanyang mga dokumento.

Lumipas ang ilang buwan ay pabalik-balik siya sa ahensiya ng suspek ngunit puro pangako at hindi siya nakapag-abroad hanggang iberipika sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at natuklasang hindi awtorisado ang ahensiya at ang suspek na mag-recruit ng mga manggagawa palabas ng bansa.

Dahil dito, nagsampa ng reklamong illegal recruitment at estafa ang biktima laban sa suspek.

Ayon kay PO1 Vidad, ang suspek ay kalalaya pa lamang noong nakalipas na linggo makaraan makulong ng tatlong araw sa kasong illegal recruitment (in relation to Anti-Human Trafficking Act), estafa, resisting arrest, coercion at unjust vexation.

Ang suspek aniya ay dinakip sa isang  entrapment operation noong Mayo 4, 2015 bunsod ng reklamo ng biktimang si Renan Jeff Viloan, 24, ng Brgy. Wildcat,  C-3 Taguig City, at tubong Midsayap, Cotabato.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *