Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Budol-budol arestado

ARESTADO ng mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 ang isang miyembro ng budol-budol gang makaraang habulin ng kanyang biktima, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakapiit na sa MPD-PS 2 ang suspek na si Dennis Perdagorta, 34, ng B-6, San Jose, Navotas City, nadakip sa panulukan ng Dagupan at Moriones streets, Tondo, Maynila dakong 7:45 p.m. kamakalawa.

Ayon sa reklamo ng biktimang si Fressie Evangelista, 28, ng Pavia St., Tondo, nilapitan siya ng suspek at nagtanong kung may alam na pinauupahang truck.

Sinabi ng suspek sa biktima na malaki ang kanilang kikitain sa sandaling maisara ang transaksiyon.

Nang mapansin ng suspek na nakuha ang tiwala ay inutangan ang biktima ng halagang P1,800 at ipinalit ang isang bungkos na pera na nakalagay sa sobre at pagkatapos ay umalis na.

Gayonman, hindi mapakali ang biktima kaya binuksan ang sobre at nakita ang ginupit-gupit na diyaryo kaya agad hinabol ang suspek.

Nagkataon na may mga nagpapatrolyang pulis at nakita na hinahabol ng biktima ang isang lalaki kaya nakihabol na rin hanggang maaresto ang suspek.

Gayonman, hindi na narekober sa suspek ang P1,800 na kinuha sa biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …