Botohan sa BBL simula na sa Kamara
hataw tabloid
May 11, 2015
News
PAGBOBOTOHAN ngayong araw, Lunes, (Mayo 11) ng House adhoc Committee on the Bangsamoro ang nabinbing Bangsamoro Basic Law (BBL).
Nabatid kay Committee Chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez,bukas pa rin ang komite na amyendahan ang BBL bago nila isagawa ang botohan.
Sinabi ng mambabatas, posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong araw ang botohan dahil may ilan pang nais talakayin at linawin ang ibang mga kongresista sa nabanggit na panukalang batas.
Tiniyak ni Rodriguez, hihimayin nila muna nang husto ang BBL upang masigurong hindi ito lalabag sa Konstitusyon na puwedeng kuwestiyonin ng Kataas-Taasang Hukuman sakaling may tumutol dito.
Paglilinaw ng opisyal, gagawin ang unang araw ng botohan sa executive session at dito dedesisyonan din kung papayagan ang media coverage.
Banggit ni Rodriguez, may kapangyarihan ang bawat komite na magsagawa ng executive session lalo na kung sensitibo ang tinatalakay na panukalang batas.
Jethro Sinocruz
BBL passage pasok pa sa timeframe – PNoy
CANADA – Naniniwala si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na maipapasa ang Bangsa-moro Basic Law (BBL) sa Hunyo tulad nang pangako ng Kongreso.
Kaya wala pa aniyang dahilan para ibahin ang timeline na target sa pagpasa ng panukalang batas para sa pagtatatag ng isang Bangsamoro sa kabila nang naging epekto ng Mamasapano incident.
Sinabi ng Pangulong Aquino, mismong si House Ad-Hoc Committee on Bangsamoro chairman Rufus Rodriguez ang nagpadala ng mensaheng matatapos ang deliberasyon at maglalabas ng report pagsapit ng Mayo 11 o 12.
Ayon sa Pangulong Aquino, matapos maipasa sa Kamara, sunod ang Senado na ayaw muna niyang pangunahan o pag-usapan ang numero sa magiging botohan baka mausog.
Umaasa si Pangulong Aquino na maipasa bago matapos ang taon ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) para mabigyan nang sapat na panahong ihanda ang Bangsamoro sa 2016 elections.