ni ROMMEL PLACENTE
IDINEMANDA pala ni Denice Cornejo ang isang blogger dahil sa isinulat nito sa kanya na umano’y may STD (Sexual Transmitted Disease).
Ayon kay Denice, hindi raw niya alam kung saan nakuha ng blogger ang isinulat nito sa kanya na isang malaking kasinungalingan dahil wala naman daw siyang ganoong sakit.
Ang nagkaroon daw siya rati ay UTI pero hindi raw STD. Sa tingin ni Denice malaking kasiraan ‘yun sa kanyang pagkatao kaya nag-decide siyang idemanda ang blogger na anytime soon ay lalabas na ang warrant of arrest para rito.