Monday , December 23 2024

Belmonte 2016, bukas sa blokeng Makabayan

FRONTNAKATAKDANG pag-usapan ng Makaba-yan Bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na suportahan si House Speaker Feliciano Belmonte sakaling sumabak sa Eleksiyon 2016 bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Ito ang pahayag ni Anakpawis Party-list Rep. Fernando ‘Ka Pando’ Hicap makaraang makarating sa kaniyang kaalaman ang impormasyon na malaki ang posibilidad na kabilang si Belmonte sa 2016 Presidential Candidates.

Ayon kay Hicap, bukas ang kanyang partido kabilang na ang Makabayan Bloc na pag-aralan nila ang kandidatura ni Belmonte dahil sa mga nagawa nito bilang pinuno ng Kamara at dating alkalde ng Lungsod Quezon.

Sinabi ni Hicap na idadaan nila sa konsultasyon at pag-aaral ng kanilang mga balangay o kasapian ang tuluyang pagbitbit kay Belmonte sa nalalapit na Eleksiyon 2016.

Ipinunto ng Kongresista na mas katanggap-tanggap si Belmonte kung ihahambing kay DILG Sec. Mar Roxas na marami aniyang atraso sa kanilang sektor gaya ng madalas nitong pagdepensa sa kapalpakan ni PNoy.

Sa ilalim ng pamumuno ni Belmonte ay hindi kailanman nasabit sa isyu ng katiwalian gaya ng hindi wastong paggamit ng PDAF o Pork Barrel at maging ng DAP ng Malakanyang.

Bagaman kilalang kaalyado ni PNoy si Belmonte ay pinayagan niyang matapos ang pagdinig sa Kamara patungkol sa isyu ng Mamasapano Encounter na ikinamatay ng tinaguriang SAF 44.

Sa loob ng siyam na taon bilang Alkalde ng Quezon City, nagawa ni Belmonte na ibangon ito sa kumunoy ng utang hanggang maging pinakamayamang lungsod sa buong bansa.

Ayon naman sa ilang solon na hiniling na hindi muna banggitin ang kanilang pagkakakilanlan, hinihintay lamang nila ang pormal na proklasmasyon ni Belmonte upang ibigay nila ang kanilang buong suporta.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *